Monday, June 20, 2011

Tol I love You Part 11

Pakiwari ko ay napakabigat ng aking mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.

Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.

Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”

Sa pangalawang tanong ng pari, naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.

Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.

“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang narinig kong sigaw ni Sarah.

Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Noong nasa labas na ako ng simbahan, tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon, bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian, agad-agad akong umupo sa driver’s seat.

Hindi ako lubusang marunong magmaneho at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.

Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay ni Lito.

Noong makarating na ako, agad-agad akong nag door bell.

Nakailang door bell din ako. Sa pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo niya. Ang paboritong kanta niya -

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

Hinalughog ko ang buong kwarto – sa CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw ko.

Dahil sa hindi ko naisara ang pinto, narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni Lito at agad-agad itong napasugod.

“Martha, nasaan ba si Lito?” ang tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.

“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45 ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya, wala pa ba siya doon?”

Hindi ko na sinagot si Martha. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.

Ang sunod kong tinumbok ay ang paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan para sa kanya at sa aming relasyon.

Noong makarating na, dali-dali kong tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito. Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.

“Tol… binigyang laya na kita. Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta. Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya, matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”

Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.

Agad kong inilagay ang kabibe at ang sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building. Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.

Ibayong kaba naman ang naramdaman ko noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.

Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag. Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob ng tangke.

Nakahanap ako ng isang tubo na may habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke. Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari ko ay mistulang isang katawan ng tao.

Tila nawala na ako sa tamang katinuan sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”

“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong building.

“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.

Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya, hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko – itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.

“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!” Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.

Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon, tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon – isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang sabihing taong mahal niya.

Humagulgol ako nang humagulgol, sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!! ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa mgakahalong galit at sama ng loob.

Habang nasa ganoon akong paghihimutok, namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.

Habang nakalatag siya, napansin kong isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CVR, lunamtad naman ang kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.

Tinanggal ko ito at walang sinayang na sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth, pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CVR ko sa kanya dahil sa hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang pintig ng kanyang puso.

Hanggang sa dumating na ang mga paramedics at itinuloy nila ang CVR. Maya-maya lang, dinala nila si Lito sa ambulansya nila kung saan may itinurok sila sa kanya at may mga equipment silang pamparevive ng puso at paghinga.

Pinasakay din nila ako sa ambulansya at humarurot na ito pabalik ng hospital.

Agad-agad kong tinawagan ang mga magulang ni Lito na sa pagkakataong iyon ay pauwi na rin galing sa kasal kong naudlot. At napag-alaman ko sa kanilang dinala din pala sa ospital si Sarah, dahil nakunan gawa ng pagkaudlot ng aming kasal at sa tindi ng hiyang nadarama.

Noong nasa ospital na kamin, idineretso na si Lito sa emergency room at pagkatapos, sa ICU.

“Delikado ang lagay niya…” Ang sabi ng duktor sa paglabas nito sa ICU. “Ito ang mga possibilities na maaring mangyari sa kanya. Una, ano mang oras maaaring tuluyang bawian na siya ng buhay. Pangalawa, kung malampasan niya ito hanggang 24 oras, magiging comatose na lang siya, hindi natin alam kung hanggang kailan. Pangatlo, kung manumbalik man ang malay niya, ay magkakaroon siya ng damage sa kanyang utak at makakaapekto ito sa kanyang normal na pananalita, pagkilos, at paggalaw. In 24 hours at malampasan niya ito, then let’s hope for the best…”

Noong dumating ang mga magulang ni Lito, walang humpay ang pag-iiyak nila. Hindi naman nila ako sinisi. Alam nila na ginawa ko ang lahat para sa anak nila, na pinilit kong ibigay sa kanya ang lahat ng suporta at makakaya ko. At lubos nilang naintindihan ang aking kalagayan.

Niyakap ako ng mama ni Lito, “Warren! Ano ba ang nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak ko?” ang tanong niya sa akin habang humahagulgol.

“Nasa loob ng water tank na po siya noong maabutan ko, Ma… pasensya na po, hindi ko kaagad siya naagapan.”

“Huwag mong pabayaan ang anak ko Warren.” Ang tugon ng mama niya sa akin.

Habang binantayan namin si Lito, hindi kami mapakali at hindi namin alam kung ano ang gagawin upang matutulungan si Lito sa kanyang kalagayan. At ang pumasok na lang sa isip namin ay ang magpunta sa kapilya ng ospital at doon nanalangin.

Nabalot sa matinding lungkot, naghanap ako ng pwesto sa isang gilid at lumuhod. Noong maalala ang kalagayan ni Lito, tumulo na ang luha ko. Buong pagpakumbaba akong nanalangin. Iyon bang feeling na sobrang helpless mo na at parang gi-give up ka na at ipaubaya mo na lang sa kanya ang lahat, wala nang halaga pa ang ibang bagay kungdi ang bagay na lang na ninanais mong ibigay niya sa iyo.

“Panginoon… alam ko, marami akong kasalanan, marami akong pagkukulang sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko, sa mga nagawa ko. Nagsisisi po ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang po ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at lungkot para sa isang tao. Ngayon lang din po ako humingi ng isang bagay at nagmamakaawa sa iyo. Sana po ay pagbigyan ninyo ang hiling ko. Sana po ay pagalingin nyo siya. Bigyan po ninyo siya ng isa pang pagkakataon...” At namalayan ko na lang ang sariling humahagulgol.

Noong lumabas ako ng kapilya ay napag-alaman ko naman na doon din naka-confine si Sarah na ligtas na ang kalagayan bagamat hindi naisalaba ang bata. Binisita ko siya at nanghingi ng tawad.

“Masakit sa kalooban ko, syempre, ngunit tanggap ko na ito, Warren. Noong una pa man ay may hinala na ako sa inyo ni Lito. Kasi ba naman, kahit ako ang kasama mo, palaging si Lito ang lumalabas sa iyong bibig. Tapos walang oras na hindi ka nagtitext sa kanya… o siya tumatawag. At least ngayon, na-confirm ko na ang lahat ng hinala ko. Mahirap pumasok sa isang relasyon kung isang side lang ang nagmahal, di ba? Kaya huwag kang mag-alala, I can move on. Ngayong wala na ang baby natin, wala nang dahilan pa upang hahabulin kita. Malaya ka, Warren, kung saan ka man liligaya, hindi kita guguluhin. Napag-alaman ko rin na kritikal ang kalagayan ni Lito. Puntahan mo siya. Mas lalo ka niyang kailangan. Basta, isipin mo lang palagi na nandito lang ako, kung sakali mang kailangan mo ng tulong o ng karamay…” Ang sabi ni Sarah.

Niyakap ko siya, at sa huling pagkakataon, hinalikan ko ang mga labi niya. Pinasalamatan ko rin siya sa kabaitang ipinamalas niya, sa lawak ng kanyang pang-unawa. Bagamat dumaloy ang mga luha niya sa pisngi, ramdam kong mas naiintindihan niya ang kalagayan namin ni Lito. At doon natapos ang relasyon namin ni Sarah. Maluwag sa aming kalooban ang desisyong ginawa at wala kaming hinanakit sa isa’t-isa.

Bumalik ako sa ward ni Lito. Habang pinagmasdan ko siya, matinding awa ang bumalot sa buong pagkatao ko. May kung anu-anong mga tubong nakakabit sa katawan niya, sa ilong, sa bibig.

Dumaan ang walong oras, siyam na oras, sampu, labing-isa, labing-dalawa… nakakasindak ang bawat patak ng oras, iniisip na ano mang sandali ay maari pa ring bumigay ang katawan ni Lito. Hindi ako mapakali at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip. Ngunit kahit papaano, may dala din itong kaunting dulot na konsuwelo na nand’yan pa rin siya at hindi bumibitiw.

Eksaktong 24 na oras ang nakaraan at nanatiling lumalaban pa rin si Lito, wala pa ring malay at hindi gumagalaw. Kaya’t ang sabi ng duktor na kung magiging steady ang takbo ng kanyang sistema ay may tsansa pa raw na manumbalik ang malay nito.

Pagkatapos niyang malampasan ang 24 oras, araw naman ang binilang namin. Dalawang araw, tatlo, apat… Limang araw na ang lumipas noong tila hindi ko na makayanan pa ang pagkainip. Kaya ang ginawa ko noong umalis ang mga magulang ni Lito upang magpahinga sa bahay at ako na lang ang naiwang nagbabanytay, kinausap ko si Lito. “Tol… naiinip na ako, gustong-gusto ko nang makausap ka, makitang ngumiti, tumawa, makasama. Miss na miss na kita, tol. Lakasan mo ang loob mo. Lumaban ka, huwag kang bibitiw. Sabi mo doon sa sulat mo na kung sinabi ko lang sa iyo na mahal kita ay ipaglaban mo ang relasyon natin. Ngayon, sasabihin ko sa iyo Tol… mahal kita. Mahal na mahal kita! Kaya lumaban ka. Ipaglaban mo ang pagmamahalan natin kahit na kamatayan pa ang gustong humadlang nito. Huwag kang padaig… huwag kang mawalan ng lakas. Ipaglaban mo ako tol… dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, hindi kita iiwan at hihintayin kita hanggang sa pagbalik ng iyong malay.” At hinalikan ko siya sa pisngi.

Naupo uli ako sa silya at pinagmasdan ang anyo niya. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Bagamat nanumbalik at lumilitaw na muli ang normal na katangian at anyo ng kanyang mukha, pakiramdam ko ay nakikipag-usap pa rin ako sa isang taong walang buhay.

Kinapa ko ang cellphone ko at pinatugtog ang paborito niyang kanta. Inilatag ko iyon sa higaan niya, malapit sa kanyang tenga sa tiwalang maaring marinig niya ito at makakatulong sa kalagayan niya.

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

Bumalik uli ako sa kinauupuan, pinakinggan ang bawat kataga ng kantang paborito niya. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga, nakatatak sa aking isip ang tindi ng kalungkutang nadarama niya sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin habang pinagmasdan ko ang kanyang anyo. “Hindi ko na papayagang magdusa ka pa tol…” At ang sabi ko uli sa kanya.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni at pagtitig sa mukha niya noong hindi ko inaasahang mapansin ang mga luhang biglang dumaloy sa mga pisngi niya at bumagsak ang mga ito sa unan.

Napabalikwas ako sa magkahalong gulat at tuwa, hindi magkamayaw sa pagtatatalon. “Tooolll! Tangina, narinig mo pala ako, tolll! Kanina pa ako nagsasalita nakikinig ka pala sa akin ha?” Sigaw kong biro sa kanya. Pakiramdam ko talaga ay narinig niya ang lahat ng sinabi ko. “Yeheeeyyyyy!” Sabay sampa sa kama at yakap sa katawan niya at hinalik-halikan ang pisngi.

Pinahid ng kamay ko ang mga luhang iyon na dumaloy sa mukha niya at saka seryosong kinakausap siya. “Kahit anong mangyari tol… di kita iiwan, pangako iyan. Kaya lumaban ka, pareho nating labanan ang buhay, tol. Narinig mo ba ako, tol? Huwag na huwag kang bumigay! Magpakatatag ka tol para sa akin! Ipaglaban mo ako. Iparamdam mo sa akin na mahal mo ako, tol!”

Ngunit ganoon pa rin siya. Boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong kwarto na iyon.

“Bigyan mo ako ng isa pang palatandaan tol na narinig mo ako. Isa pa tol! Pleaseeee.” pag encourage ko sa kanya.

Tahimik.

“Ok, tol… igalaw mo ang katawan mo. Kahit anong parte, kahit mata mo lang tol!” ang pag-encourage ko muli.

Akala ko ay wala na talagang chance pa. Ngunit hindi ako sumuko. Ipinadama ko sa kanya na hindi ko siya igigive-up at kaya dapat ay hindi rin siya gigive-up para sa akin. At nagulat na lang ako noong habang inuutusan ko siyang piliting igalaw ang ano mang parte ng katawan niya, nakita ko ang biglang pagbaltak ng kaliwang hintuturong daliri niya. Halos hindi ko nga napansin ito ngunit kitang-kita ng mga mata ko ang paggalaw nito na parang lang isang mabilis na di-kusang galaw ng kanyang kalamnan.

“Tol… ginawa mo iyon?” Ang excited kong tanong sa kanya. “Kung ginawa mo iyon, tol, gawin mo uli! Gawin mo uli, tol!” utos ko.

Pinagmasdan ko uli ang hintuturo niyang iyon. At nakita ko na binaltak na naman niya ito.

“Tolllll. Shittt! Naririnig mo na talaga ako! Yiheeeyyyyy!” at muli kong siyang niyakap at hinalikan. “Ngayon ay pwede na tayong mag-usap tol!” ang sigaw ko habang nagtatalon sa nadaramang kagalakan.

Hinaltak niya uli ang daliri niya na para bang ipinadama niya na natuwa din siya na may contact na kami. Iyong daliring iyon lang ang kaya niyang igalaw.

“Narinig mo ang tugtog ng paborito mong kanta, tol?”

Hinaltak uli niya ang kamay niya.

“Gusto mong ipatugtug ko uli?”

Sagot uli siya.

At iyon na ang simula ng pagkakaroon namin ng contact ni Lito. Kapag “Oo” ang sagot niya, hinahaltak niya ang daliri. At kapag “Hindi” o “Ayaw” naman, hindi niya ginagalaw ang daliri. Minsan binibiro ko siya kagaya ng, ”Sige ka, kapag di mo pilitin ang sariling gumalaw, hindi na titgas iyang ari mo” sabay tawa. Hahaltakin naman niya ng sunod-sunod ang daliri na tila tumatawa o sinasabing “Tado ka!”

Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari sa amin ni Sarah; na hindi natuloy ang kasal namin dahil iniwanan ko siya para sa kanya; na nalaglag ang bata, at na nagkausap na kami at napagdesiyonan naming tapusin ang aming relasyon.

Isang lingo pa ang lumipas at bumalik na ang buong malay ni Lito. Sabi ng dukto, tila isang milagro ang nangyari kay Lito, sa bilis ng pagrecover niya. Ngunit sinabi din ng duktor na iyon ay dahil sa ipinamalas na lakas ng loob ni Lito, dahil sa nadaramang suporta sa kanya ng mga mahal sa buhay.

Noong ibinuka niya na ang kanyang mga mata, ang pinakaunang nakita niya ay ang malaking streamer na ginawa ko at isinabit sa dingding paharap sa kanya, na pinaikutan ng maraming pulang balloons. At ang nakasulat sa malaking streamer at mga ballons ay, “TOL… I LOVE YOU! Welcome back!”

Kitang-kita ko ang kagalakang bumakat sa kanyang mga mata noong mabasa niya iyon. Tiningnan niya ako at ngumiti. Iyon na ang pinakamaganda at pinakamasayang ngiti na nakita ko sa kanya. At ang una niyang nasambit ng mga kataga? “Tol… I Love You!” at niyakap ko na siya at hinalikan, hindi alintana ang nakatingin na mga magulang, kapamilya at mga kaibigan namin na nandoon.

Pagkatapos ay ipinakita ko rin sa kanya ang kabibeng binuo ko uli, at ang mga sapatos naming itinapon sa tangke ng tubig.

Dalawang buwan pa ang nakaraan at tuluyan na siyang gumaling, pagkatapos ng ilang mga physiotherapy sessions. Syempre, sobrang tuwa at saya ang nadarama ng lahat, lalo na ang mga magulang ni Lito. Nakita nila kung gaano ko inalaggan si Lito sa ospital na halos hindi na ako natutulog, hindi kumakain, hindi nagpapahinga, hindi umuuwi ng bahay. At malaking pasasalamat nila sa ipinakita kong suporta at pagmamahal sa anak nila.

At dahil nakita nila na sa akin din humuhugot ng lakas at inspirasyon si Lito, naintindihan nila ang lahat-lahat sa amin, at syempre, pati na ang kakaibang relasyon namin. Binigyang-laya nila ang aming naramdaman at ang payo nila sa akin ay, “Warren, ngayong alam na namin kung gaano mo kamahal si Lito, ipaubaya namin siya sa iyo. Ano man ang gusto ninyong gawin o ano man ang mga plano ninyo sa buhay, susuportahan namin kayo…”

Nasa US na kami ngayon ni Lito; sa isang estado kung saan legal ang pagpapakasal ng mga kagaya namin. Kasal na kami, at nagsasama na sa isang bahay na binili ng mga magulang niya para sa amin.

Sa bagong lugar na ito, sisimulan naming buohin ang aming buhay, ang aming mga panagarap, at pagtibayin pa ang aming pagmamahalan. Hindi man namin kuntrolado ang takbo ng aming magiging bukas ngunit sapat na para sa amin na nagmahalan kami ng tapat at nangakong hinding-hindi namin pababayaan ang isa’t-isa.

Alam ko, may laban kami sa buhay. Ano mang dagok at pagsubok ang darating pa sa amin, handa namng harapin ang mga ito at patuloy naming ipaglaban ang aming pagmamahalan.

(Wakas)





Tol I love You Part 9-10

“Buhay ko, Tol… kaya kong ibigay para sa iyo” ang sagot niya sa tanong ko.

“Talaga?”

“Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagtalon ko sa pumpboat sa gitna ng dagat kahit hindi ako marunong lumangoy makuha lang ang atensyon mo? Hindi pa ba sapat na nilaslas ko ang pulso ko para mapatawad mo lang ako? Kulang pa ba ang mga iyon para patunayan ko sa iyo kung gaano kita kamahal? Kung may kailangan pa akong gawin tol... sabihin mo, at gagawin ko ito.”

Sa pagkarinig ko sa sinabi niya, naramdaman ko ang awa. At ewan kung dala lang ng kalasingan ko, namalayan ko na lang na hinaplos-haplos ng mga kamay ko ang mukha niya. “K-kung gusto mo tol… papayag ako na magkaroon tayo ng relasyon. Ngunit sa isang kondisyon nga lang, na itago natin ito at walang dapat makakaalam…”

Kitang-kita ko naman sa mga mata ni Lito ang saya sa narinig. Ngunit bigla rin itong napawi. “Ayokong gawin mo iyan tol dahil sa napilitan ka lang. Ayokong labag sa kalooban mo ang gagawin mo. OK na ako sa ganitong setup. Mas maganda na ang ganito kesa magkaroon nga tayo ng relasyon ngunit pilit naman, isang relasyon na sa bandang huli, ako pa rin ang magdurusa…”


Mistulang nabigla ako sa sinabi niya, hindi makasagot. Hindi ko akalalin na aayaw siya sa naging proposal ko.

“Sagutin mo ako, tol… labag ba sa kalooban mong sabihin ito sa akin?” tanong niya.

“A… Hindi! Hindi!” Ang naisagot ko. “Hindi labag sa kalooban ko ito, tol. Kusang loob kong gagawin ito dahil gusto ko, at…”

“At ano?” pag follow up niya.

“M-mukhang tinablan na rin yata ako sa iyo eh…” Ang naidugtong kong sagot.

Ewan kung nasabi ko lang iyon dahil sa matinding awa sa kanya o talaga nga bang may naramdaman na rin ako para sa kanya. Ang alam ko lang ay gusto kong sumaya siya, na maibsan ang pagdurusa niya, na manumbalik ang sigla niya – sa kabila ng may kung anong bumabagabag sa isip ko kung talaga bang kusa sa kalooban ko ang pagsabi sa kanya noon, na kung tama ba ang iminungkahing pakikipagrelasyon sa kanya nang dahil lang sa awa ay isang bagay na tila sumisigaw ng pagtutol ang kalooban ko.

Sa pagkarinig sa sinabi ko, hinaplos din ni Lito ang aking mukha, bakat sa mga mata niya ang matinding saya sabay bitiw ng isang ngiting nagpapahiwatig ng isang abot-langit na kasiyahan. Noon ko lang nakita sa mukha niya ang ngiti na iyon. Puno ng sigla, puno ng kasayahan, puno ng pag-asa.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinawakan niya ang ulo ko sabay kabig nito hanggang sa maglapat ang aming mga labi. At iyon ang unang pagkakataon na ipinaubaya ko ng buong-buo ang sarili sa kanya upang malasap niya kaligayahang inaasam-asam at mapatunayan ko sa kanya na wala akong pag-aalinlangan sa sinabing pakikipagrelasyon.

Tumayo kaming pareho at isa-isang hinubad ni Lito ang damit ko simula sa t-shirt, sa pantalon, at pati na rin rin ang brief. Pnaliguan niya ng halik ang buo kong katawan hanggang sa ang maririning ng buong kwarto ay puro ungol na lamang.

At iyon ang una kong karanasan ng pagpapaubaya sa kama, malasap ang sarap na dulot ng pagnanasa ng isang kaibigan sa aking katawan.

Simula noon, tila wala na akong pwedeng hihilingin pa para sa pinakamamahal na kaibigan. Pati ang mga taong nagmamahal sa kanya ay natutuwa sa ipinamalas na pagbabagong nangyari. Nanumbalik ang lahat ng sigla, saya, at enthusiasm niya sa buhay at mas lalo pa itong umigting.

Dating gawi din kami sa mga gimik, mga lakwatsa, harutan. Ipinakita ko sa kanya na sinusuportahan ko siya, na denedepensahan, ipinagtatanggol; na kahit may mga taong kinikwestyon ang pagiging sobrang malapit namin sa isa’t-isa, hindi ko ito ininda. Dahil dito, hindi ko na nakita pa sa mukha niya ang lungkot. Ramdam kong tanggap na niya ang lahat sa buhay, at masaya siya. At ito ay dahil sa akin.

Syempre, hindi nawawala ang private moments namin. At ang madalas naming puntahan ay ang beach kung saan muli naming ibinaon sa ilalim ng hagdanan ng paboritong cottage naming na iyon ang kabibe, na siyang nagsilbing simbolo ng aming pagkakaibigan.

“Tol… dapat palaging buo ang dalawang magkabiyak na ito kagaya ng pagiging buo natin.”

“Oo tol… dapat lang na palaging buo yan.” Ang sagot ko

“At palagi din nating alagaan ito tol, gaya ng pag-alaga natin sa isa’t-isa.” Dugtong niya.

“Oo tol…” sagot ko.

“At dapat… wala tayong sikreto tol ha?” Dugtong uli niya.

Natawa naman ako sa isiningit niyang tanong na iyon. Hindi ko alam kung ito ay may bahid na insecurity sa pagiging mag-on na na namin dahil alam naman niya na wala akong inililihim sa kanya simula pa noon. “Ako pa!” pagmamayabang ko. “Ano pa bang sikreto meron ako na hindi mo pa alam?” sabay tawa ng malakas.

“Malay natin…” ang isinagot lang niya.

Kaya, iyon ang isa sa dalawang lugar na hinding hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko.

Ang pangalawang lugar kung saan ito ay naging saksi din ng aming patagong relasyon ay ang rooftop sa fourth floor ng school building. Noon pa man, ito na ang nagsilbing hangout namin kung saan unang nabuo ang aming pagkakaibigan. Doon, malaya kaming naghaharutan, nagkukwentuhan, nagbabahagi ng aming mga saloobin at mga pangarap. Minsan din, aakyatin namin ang malaking tangke ng tubig sa gitna ng rooftop na iyon na siyang nagsu-supply ng tubig sa buong campus. Pag naka-akyat na, bubuksan naming ang malaking takip noon, sisilipin ang laman at katuwaang ipasok ang mga ulo namin at sisigaw.

“Tol… mag swimming tayo d’yan!” biro ko sa kanya isang beses.

“Wahhh! Ang lalim ng tubig!” Sigaw ni Lito. “Lampas-tao sigurado ang lalim niyan! Malulunod ako d’yan kapag tumalon tayo! Di ako marunong lumangoy tol!” Tumingin siya sa akin. “Atsaka, iyan ang iniinum nating lahat sa campus di ba? Syempre, dudumi iyan pag naligo tayo d’yan!” dagdag niya.

“Iyan nga ang maganda tol eh… Kasi, kapag nagswimming tayo d’yan, ang mga libag at dumi sa mga katawan natin ay maiinum nilang lahat, lalo na ang mga tyrant nating professor! At… tayo lang ang makakaalam, diba? O ano… iihian na lang kaya natin?” biro ko.

“Tado ka talaga tol! Walang kapares ang katarantaduhan mo!” biro din niya habang di magkamayaw sa katatawa.

Tumawa na rin ako. Ngunit bigla ding huminto at tinitigan siya. “Kaya nga love mo ako eh, diba?” sabay bitiw ng isang pilyong ngiti at ipinikit na ang mata, naghintay na may mangyari. Iyan kasi ang weakness niya. Kapag binabanggit kong mahal niya ako, hahalikan na kaagad ako niyan sa labi. At syempre, gagantihan ko rin ang halik niya, ila-lock naming pareho ang mga katawan haggang sa sabay naming maipalabas ang mga init ng katawan.

Ewan ko rin ba, hindi ko maintindihan ang tunay kong naramdaman. Oo, inaamin kong sa bawat paglapat ng mga labi naming, sa bawat pagniniig ay nasisiyahan din naman ako at masaya kapag kasama ang kaibigan ko. Subalit hindi ko rin maitatwa sa sarili na parang may hinahanap-hanap akong iba. Marahil ay masasabing natutunan ko na rin si Litong mahalin ngunit ramdam kong may kung anong kulang ito.

“Tol… maipangako mo ba na hindi mo ako iiwan habambuhay?” tanong niya isang araw na nandoon kami sa rooftop na iyon, ang mga daliri niya ay inilaro-laro at iginagapang-gapang sa tiyan ko at sa dibdib. Nakaupo kami na siya, nakaharap sa akin at ang likod ay isinandal sa nakaangat kong kanang tuhod at ako naman ay ganoon ding nakaupo paharap sa kanya, ang likod ay nakasandal sa nakaangat niyang tuhod.

“Pangako yan, tol… hindi kita iiwan” ang sagot ko.

“Talaga?” dugtong niya.

“Oo! Promise!”

“Paano mo papatunayan yan?” tanong ulit niya.

“Hmmm. Sandali ha…” nag-isip ako kung ano ang gagawin sabay hawak sa kanya at bumalikwas.

“Anong gagawin mo?” tanong niya.

Pinulot ko ang isa kong sapatos. “Halika Tol, sumunod ka sa akin at kunin mo rin ang isa mong sapatos” at umakyat na ako sa hagdanan patungo sa bunganga ng tangke ng tubig.

“Hey! Anong gawin natin d’yan!” tanong niya habang umaakyat na rin sa hagdanan nakasunod sa akin.

“H’wag ka nang magtanong…” sagot ko naman.

Noong makarating na kaming pareho sa bunganga ng tangke, binuksan namin ito. Tiningnan ang loob.

“Ngayon?” tanong niya ang mga mata ay nakatutok sa akin, tila nag-abang sa sunod kong gagawin.

“Ito…” Sabay laglag sa dala kong sapatos.

“Waahhhh! Anong ginawa mo?” Sigaw niya ang mga mata ay nanlaki, hindi makapaniwala sa ginawa ko.

“Itapon mo din ang isang sapatos mo!”

“Bakit?”

“Para d’yan magsama sila…”

“E… iinumin nating lahat ang tubig d’yan e…”

“O. E… di ba maganda, lahat tayo pati na sila ay makakatikim sa lasa ng pinagkaisang sapatos natin. Parang silang lahat ay nagiging lihim na saksi na rin sa ating relasyon! Iyan ang patunay ko na hindi kita iiwan habambuhay tol.” sabi ko.

Tila na-excite naman siya sa narinig “G-ganoon ba? E, di sige!” at dali-dali din niyang inilaglag ang dala-dalang sapatos sa loob ng tangke.

Tawanan kami, tapos nauwi sa titigan.

“Tol… I love you!” sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot. Pakiwari ko ay may bigalang bumara sa lalamunan ko. Inilapit ko na lang ang mukha ko sa mukha niya. Siniil niya ng halik ang aking mga labi ko. Naghalikan kami.

Noong umuwi na, tawanan sa ginawang kabulastugan at dahil sa tig-iisang sapatos na natirang suot-suot ng aming paa.

Sobrang saya, di ko lubos maipaliwanag ang kasayahang pareho naming nadama. At nagpatuloy ang ganoong set-up hanggang sa tumuntong na kami sa pinakahuling taon ng College.

Akala ko, tuloy-tuloy na ang lahat. Subalit noong magsi-second semester na, binulabog naman ako ng isang matinding pagsubok: nabuntis ko ang girlfriend ko. At ito ang pinakatago-tago kong lihim kay Lito.

Sarah ang pangalan ng girlfriend ko, taga-ibang bayan siya at nakilala ko siya, isang taon na ang nakaraan noong binisita ko ang tita kong doon din nakatira. Simula noon, paminsan-minsan na akong pumupunta sa bayang iyon. Minsan alam ni Lito ngunit ang tunay na dahilan nito ay lingid sa kaalaman niya.

Alam ko, nagdududa si Lito sa akin noong may mga pagkakataong minsan ay nakikita niyang panay ang text ko kahit nand’yan siya. Ang alibi ko na lang ay dati kong kaklase at matalik na kaibigan sa elementarya ang ka text ko at nasa Maynila na tumira at nag-aaral ito. May pagkakataon ding hinahanap niya ako at dahil kasama ko ang girlfriend sa bayan nila, sinasabi ko na lang na pinuntahan ang isang kamag-anak doon. Kahit marahil ay may pag-aalangan siya, hindi ko naman napansin na masama ang loob niya sa akin at hindi rin siya nangungulit sa pagtatanong kung sino talaga ito.

Mahal ko ang girlfriend ko, walang duda. Kaya ko lang itinago ang relasyon namin kay Lito ay dahil ayaw kong masirang muli ang takbo ng pag-iisip niya, ang pag-aaral, ang pagkakaibigan namin, ang pangarap niya. Kahit masasabi kong matinding awa ang naramdaman ko sa kaibigan at di maitanggi na may naramdaman na rin akong iba para sa kanya, mas matimbang pa rin sa akin ang girlfriend ko, lalo na na mabubuo na rin sa wakas ang aking pinapangarap na anak.

Mahirap ang kalagayan ko. Alam ko, masasaktan si Lito kapag nalaman niya ang lahat. Kaya napagdesisyonan kong sabihin na lang sa kanya ito pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation, tamang-tamang isang linggo bago ang napag-usapang takda ng aking kasal.

Kaya, tuloy pa rin ang dating gawi. Pinilit kong hindi magpahalata. Ngunit habang palapit nang palapit ang graduation, tila lalo namang bumibigat ang dinadala kong problema. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak at dibdib ko sa maaaring reaction ng kaibigan kapag nalaman niya ang lahat. Hindi na ako makatulog, halos hindi makakain. At lalong tumindi ang awang naramdaman ko para sa kanya.

Dumating nga ang graduation. Wala pa ring kaalam-alam si Lito. Magna cum laude siya at sobrang proud ang mga magulang. Syempre, proud din ako sa kanya. At dahil dumalo ang girlfriend ko, ipinakilala ko siya kay Lito. Ngunit hindi ko binanggit na girlfriend ko ito. Alam ko, nagdududa siya sa amin dahil dumidikit sa akin ang girlfriend ko at halata naman ang mga kilos namin.

Pagkatapus ng graduation ay may party na idinaos ng mga magulang ni Lito para sa aming dalawa. Doon ito gganapin sa kanila. Inihatid ko muna ang girlfriend ko sa terminal at pagkatapos ay dumeretso na ako sa party.

Maraming taong dumalo sa salo-salo. Sa labas pa lang ng gate ay may malaking streames na nakalambitin, “Congratulations Lito at Warren!”

Dali-dli akong pumasok ng gate at hinanap si Lito. Ngunit wala siya doon sa lawn kung saan nandoon ang mga bisita.

“Ma… nasaan po si Lito?” ang tanong ko sa mama niya.

“Ah… nasa kuwarto niya, sabi niya may gagawin lang daw siya doon sandali. Puntahan mo na lang doon, hijo!” sagot naman ng mama ni Lito.

At dali-dali na akong umakyat. Noong binuksan ko ito, nandoon nga si Lito, malungkot ang mukha, nag-inom na mag-isa at ang mga tingin ay tila napako sa kawalan.

Ramdam ko ang biglang pagkalampag ng aking dibdib, hindi maintindihan kung ibunyag ko na ba sa kanya ang sikreto o hintayin pa ang bukas.

Dali-dali kong inilock ang kwarto, tinumbok ang refrigerator at kumuha ng beer, binuksan ito at tinungga. “Congratulations Tol!” sabay halik sa mga labi niya.

Ngunit hindi niya sinuklian ang halik ko. Hindi siya umimik, hindi kumibo, walang emosyon sa kanyang mukha. Napako lang siya sa pagkakaupo habang tinitigan ang mukha ko. Nagtitigan kami. Maya-maya lang ay nakita ko ang pagdaloy ng mga malalaking butil ng luha sa pisngi niya…

(Itutuloy)


-----------------------------------------------------

“Tol… I Love You!” [10]
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

“Bakit ganito ang ginawa mo sa akin, tol? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Wala naman, diba…?” ang panunumbat ni Lito, ang boses ay may bahid ng pagmamakaawa. Ramdam ko ang bigat ng kanyang hinanakit. Patuloy na dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi, hinayaan lang niyang bumagsak ang mga ito.

Bumalot sa katauhan ko ang panlulumo sa narinig na tanong niya. Alam ko na ang tanong na iyon ang sukdulan na ng aking pagtitis na itago ang pinakalilihim kong sikreto. Bagamat hindi ko alam kung paano harapin ito, alam kong napatunayan na sa isip niya na magkasintahan nga kami ni Sarah. Hindi kaagad ako nakasagot. Tila may bumara sa aking lalamunan, hindi malaman kung ano ang sasabihin at paano sisimulan ito. “A… tol… pwede bang hayaan mo akong magpaliwanag?” ang nasambit ko na lang.

“Napakanda ng ating pagsasama tol. Sa simula pa lang, sinabi ko na sa iyo na ayaw kong ipilit ang sarili mo sa akin; na ayaw kong ang pakikipagrelasyon mo sa akin ay labag sa kalooban mo. At nangako ka pa sa akin sa beach, na wala tayong sikreto sa isa’t-isa. Bakit? Bakiiiittttt?!!!“ at tuluyan ng kumawala ang ang matinding hinanakit niya na kinimkim. Napahagulgol siya na parang bata sabay tayo at sinusuntok nang sinuntok ang sementong dingding ng kwarto niya hanggang sa nakita kong nabalot na ng dugo ang mga kamao niya.

Dali-dali ko siyang niyakap upang ilayo sa dingding at pinaupo sa kama. Noong makaupo na, hinahaplos-haplos ko ang likod niya at ang balikat. “Tol… I’m sorry. Ayaw ko lang naman sanang masaktan ka eh, kayak o itinago ang lahat.” Paliwanag ko.

“At bakit?!!! Hindi ba ako nasaktan ngayon? Ha?!!! Mas matindi pa tol! Mas matindi pa ang sakit na naramdaman ko. All those times, iniisip ko na tapat ka sa relasyon natin, na maluwag sa kalooban mo ang pagpasok mo sa relasyon natin. Ni ikaw pala ang nagmungkahi sa relasyon na ito! Iyon pala ay…” hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin.

“Nanghingi ako ng tawad sa iyo, tol… patawarin mo ako, pleaseeee” ang pagmamakaawa ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, “Niloko mo ako! Niloko mo akooooo! Tanginaaaaa!” habang tinumbok ang gilid ng kwarto, naupo sa sahig, ang likod ay isinandal sa dingdin. Itinakip ang dalawang duguang kamay niya sa mukha. “Sinaktan mo ang damdamin, ko, tol… sobrang sakit ang naramdaman ko, alam mo ba?!!” dugtong niya habang patuloy pa rin sa paghagulgol.

Umupo ako sa harap niya, hinawi ko ang dalawa ninyang kamay na itinakip sa mukha niya at pagkatapus, hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya. Tinitigan ko siya “Nagkasala ako tol… at buong-puso kong hiningi ang tawad mo. Nasa akin ang lahat ng pagkakamali. Sabihin mo lang kung ano ang pwede kong gawin upang mapatawad mo”

Hindi siya kumibo. Yumuko siya, patuloy pa ring umiiyak. Pansin ko pa rin sa mukha niya ang matinding sama ng saloobin.

Tumayo ako, kinuha ang isang maliit na towel at binasa iyon, ipinunas ko sa kamay niyang nagdudugo. “Tol… pangako ko sa iyo. Kahit ganito ang nangyari, hinding-hindi kita pababayaan. Nandito lang ako para sa iyo.” ang sabi ko.

Hindi pa rin siya kumibo. Hinayaan lang niya ang mga kamay niya na pupunasan ko at linisin ang dugo na nagkalat dito. Tumayo uli ako at kumuha ng bendahe at tinapalan ang mga kamay niya.

“S-sana, tol… maintindihan mo ako. Lalaki ako, tol e. Alam mo kung gaano katindi ang pagsupil ko sa sariling huwag matukso sa mga babae. Nakita mo naman; hindi ako nagpi-flirt, wala akong niligawan, at kahit may mga nagparamdam, hindi ko sila pinatulan. Alam mo iyan dahil sinasabi ko ang lahat sa iyo. Tapat ako sa iyo, tol, wala akong inililihim, alam mo iyan. Ang pagkakamali ko lang ay noong dumating si Sarah sa buhay ko, hindi ko sinabi sa iyo ito. Nalilito ako tol. Ayaw kong masaktan ka…” ang paliwanag ko habang ramdam ko naman ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko. Pinahid ko ang mga ito.

Wala pa rin siyang imik.

“Napagdesisyonan ko na sanang pilitin ang sariling unti-unti siyang kalimutan, para sa iyo tol. Masakit pero ito ang naisip kong pinakamabuting paraan upang matupad ko ang pangako sa iyo at hindi ka masaktan. Ngunit nitong nakaraan, nalaman kong nabuntis ko si Sarah at… nabitiwan ko sa kanya ang pangakong pakakasalan siya, tol…” at tuluyan na ring akong humagulgol na parang bata, hawak-hawak ko pa ang mga kamay niyang nakabendahe na. “Maniwala ka tol… nahihirapan din ako sa kalagayan ko…” dugtong ko.

Tiningnan niya ako. Marahil ay lumambot din ang puso niya sa narinig. “M-mahal mo ba siya?” tanong niya.

Tumango ako.

“Kung pakasalan mo siya, ano ang plano mo para sa atin?” tanong uli niya.

“Ganoon pa rin tayo, tol… walang magbabago. Hindi kita pababayaan at kahit na ano man ang maging plano ko sa buhay, palaging isasama kita sa mga plano ko.”

Iyon lang ang nasabi ko at binitiwan na niya ang isang pilit na ngiti sabay yakap sa akin. At imbis na ako ang sumuyo sa kanya, tila siya pa itong gumawa sa akin nito. HInahaplos-haplos niya ang likod ko, ang buhok, ang mukha. PInahid niya ang mga luha ko sa pisngi at pagkatapus, tinitigan niya ako ng matagal na tila iniuukit sa utak angbawat detalye at anggulo noon.

Ewan ko ngunit may iba akong naramdaman sa mga titig niyang iyon, hindi ko lang lubos maintindihan kung ano. Maya-maya, niyakap niya ako, mahigpit na mahigpit sabay bulong sa tenga ko, “Tol… tandaan mo palagi, mahal na mahal kita. At kahit kailan man, hindi magbabago ito. Kahit ilang babae pa ang mahalin mo, palaging ikaw ang ititibok ng aking puso, pangalan mo ang palaging ipipintig nito. Mawala man ako sa mundo, ikaw lang ang nagmamay-ari nito….”

“S-salamat tol” ang tugon ko sa sinabi niya at kumalas ako sa aming yakapan. Kahit papaano, naibsan ang paghihirap ng kalooban ko. Hinaplos ko ang mukha niya at inilapat ang mga labi ko sa mga labi niya.

Noong mahimasmasan, nag-ayos kami, lumabas ng sabay ng kwarto na tila wala lang nangyari. Ang bendahe sa mga kamay niya ay pinalitan din namin ng mga band aid upang huwag masyadong halata. Dahil nasa kalagitnaan pa ang party na idinaos nila, naki-saya kami sa mga bisita, mga ka-klase, at mga kamag-anak nina Lito.

Sa gabing iyon, doon ako natulog sa kwarto ni Lito. At muli naming pinagsaluhan ang init na bugso ng aming damdamin. At sa pagkakataong iyon, mas mapusok ito, mas nag-aalab na ang bawat init ng dantay ng aming mga kalamnan ay tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aming mga puso. Naghahalikan kami na parang wala nang bukas; nagyayakapan na parang iyon na ang huli naming pagsasama, hanggang ang mga katawan namin ay mistulang pinag-isa na tila ito’y hindi kayang paghiwalayin.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo ako habang si Lito na gising na rin at inaantabayanan ang pag gising ko ay ipinaayos sa katulong nila ang agahan. Alam ni Lito na maaga din akong magbibiyahe patungo sa bahay ng girlfriend ko gawa nang doon muna ako lalagi hanggang sa araw ng kasal namin upang maayos at mapaghandaan ito ng maigi.

Wala kaming imikan sa hapag kainan. Siabayn niya akong kumain na para bang ninanamnam niya ang huling pagsasalo naming iyon na buong-buo pa akong para sa kanya. Tahimik ngunit ramdam ko ang tensiyon na bumabalot. At ang tanging naririnig lang ay ang mga kalantong ng mga kutsara’t tinidor, at pinggan. Hanggang sa nagpapalam na akong umalis.

Nasa bungad na ako ng gate, kaming dalawa lang ang naroon dahil sa tulog pa ang ibang mga tao sa bahay. “Tol… gusto ko na sa kasal ko, ikaw ang best man ko…”

Tinitigan niya ako, ang mukha ay pigil na huwag magpapakita ng kung ano mang emosyon. Isang napakalalim na titig na pakiwari ko ay tumagos sa aking pagkatao, at pagkatapus ay binitiwan naman ang isang bahagya at pilit na ngiti at tumango.

“Black coat and tie ang isusuot ng mga groom’e men tol…” ang pahabol kong sabi.

Tumango uli siya, pansin ko na ang pigil niyang pag-iyak. Pakiramdam ko ay pilit niyang pinigilan ang matinding emosyon na ano mang oras ay maaring kumawala at sumabog.

Niyakap ko siya at pagkatapus ay hinalikan sa labi. “Text-text na lang tayo, Tol…” ang sabi ko na lang sabay talikod, pilit na isiniksik sa utak na normal lang ang pagpapaalam ko sa kanyang iyon, kagaya ng ibang mga pagpapaalam ko pagkatapus matulog sa bahay nila. Hindi ko na hinintay pa na makita ang pagpatak ng kanyang mga luha at pagbuhos ng kanyang saloobin.

Sobrang bigat ang kalooban ko sa paglisan kong iyon. Pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng mundo. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit matindi ang nadarama kong lungkot para sa kaibigan ko. Narinig ko pa ang mga nagmamadaling yapak niya pabalik sa loob ng bahay at alam ko, humagulgol siya at nag-iisa sa loob ng kanyang kwarto. Nakikinita ko rin na ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon na iyon na ang huling pagsasama namin na buong-buo ako para sa kanya; na may nakaambang malaking pagbabago sa set-up namin pagkatapos ng tagpong iyon; ang pag-aalinlangan kung makasama pa ba niya uli ako pagkatapos ng kasal. Sa loob ng kwartong iyon kung saan una ko ipinaubaya sa kanya ang sarili ng buong-buo, ay siya namang naging saksi sa mga hinagpis at hinaing niya sa mga sandaling iyon…

Tumulo ang mga luha ko habang naglalakad ngunit hindi ko alintana ang mga ito. Hinayaan kong dumaloy ng dumaloy ang mga ito at pumatak sa damit ko. Pakiwari ko ay nawala ako sa tamang katinuan at ako lang ang nag-iisang tao sa mundo sa mga sandaling iyon, hindi malaman kung ano ang tamang gagawin, o kung kanino lalapit at hihingi ng tulong sa mabigat na kaloobang pinapasan. Binilisan ko pa ang paglakad hanggang sa nakarating ako ng terminal at nakasakay sa bus patungo sa bayan ng babaeng aking pakakasalan.

Isang araw ang dumaan, dalawang araw, tatlong araw, walang ni isang Segundo na hindi sumisingit sa isip ko si Lito. Palagi siyang nand’yan, tila nagmamakaawa, humihingi ng tulong, nahihirapan. Kahit sa gabi ay napapanigipan ko rin siya, ang mukha ay nagpahiwatig ng matinding kalungkutan. Tinetext ko siya palagi ngunit maayos naman itong sumagot. Kaya, napapawi din ang pangamba ko sa kanya.

Isang araw na lang ang nalalabi at ikakasal na ako. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Excited, ngunit sa kabila ng aking utak ay may namumuong pag-alinlangan, nagtatanong kung handa nab a ako, kung ano ang buhay kong tatahakin pagkatapos ng kasal, at higit sa lahat, kung ano ang kahinatnan ng patago naming relasyon ng kaibigan.

Nagtanong ako sa mga kaibigan kong nauna nang nag-asawa ngunit ang payo nila ay normal lang daw naman ang ganoon at karamihan sa kanila ay naranasan din ang pinagdaanan ko. At may nagpayo din sa akin na kung may pag-aalinlangan ako, ay pwede ko pang umurong kesa nakasal na kami at buong buhay ko itong pagsisisihan…

Sa gabing iyon, kahit magkatabi kaming nahiga ng girlfriend ko, kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isip. Syempre, hindi ko ito ipinahalata kay Sarah. Hindi ko maintindihan kung magtatalon sa tuwa o humagulgol sa lungkot na iyon na ang katapusan ng aking kalayaan.

Alas dyes ng umaga ang kasal namin sa araw na iyon. Sa pagsusuri ko, lahat ay handang-handa na – sa pagkain at handa, dekorasyon, reception, mga bridesmaid at groom’s men, bisita… lahat ay handa na. Alas 8:30 noong umalis ako ng bahay patungo na sa simbahan. Bago ako umalis, tinext ko si Lito. Ang plano kasi namin ay magko-kotse na lang siya galing sa kanila at dideretso na lang siya sa simbahan. Isang oras lang naman kasi ang biyahe galing sa bayan namin patungo sa bayan ng girlfriend ko. At dahil sariling sasakyan naman nila at may driver pa siya, mas mabilis ito.

“Tol, handa ka na ba?” text ko.

“Handa na” sagot niya.

“Maglagay ka pala ng pulang isang rosas sa may left chest ng coat mo ha? May pulang rosas din ako…” dugtong ko.

“Copy” sagot niya.

“Di kami magsisimula hanggang hindi ka pa darating ha?” paniniguro ko.

“Promise?”

“Promise tol…”

At iyon na ang huli kong text at dumeretso na ako ng simbahan.

Alas 9:30 ay puno na ang simbahan at nandoon na ang halos lahat ng mga bisita, mga bridesmaid, at groomsmen. Ang kulang na lang ay ang best man at ang bride. Habang nakatayo ako sa may bukana ng simbahan at naghintay sa kanila, tila may naririnig naman akong sigaw galing sa isang parte ng utak at ang sabi, “Sana ay huwag na lang dumating ang bride”. Ewan ko… marahil ay bunga lang iyon sa sobrang excitement o anxiety…

Halos eksaktong alas 10 na noong dumating si Sarah. Napakaganda niya sa suot na damit pangkasal. Nakangiti at noong makalapit na sa akin, hinalikan ako sa pisngi.

Kinabahan na ako kung bakit hindi pa rin dumating si Lito. Tinatawgan ko na sa kanyang cp ngunit walang sumasagot dito. Panay na rin ang tingin ko sa relo ko. Nakalipas ang 10 minuto, 15 minuto, 20 minuto, 25 minuto… wala pa ring Lito ang sumulpot. Sobrang kaba na ang naramdaman ko.

10:30 noong sinabihan na ako ng pari na magmartsa na patungo ng altar.

“Lito nasaan ka na! Shiitttt!” sigaw ng utak ko. “Hindi ba pwede nating mahintay pa ng sandali?” Tanong ko.

Ngunit nagalit na ang pari dahil may susunod pa raw itong misa.

Nag-aalangan man, pilit kong inihakbang ang mga paa patungo sa altar habang sumunod naman ang mga groom’s men. Ngunit noong nasa kalagitnaan na ako ng pasilyo, tila may isang malakas na pwersang humihila sa akin. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa mga sandaling iyon. At naalimpungatan ko na lang na nagtatakbo ako palabas ng simbahan…

(Itutuloy)

Tol I love You Part 7-8

“LITOOOOOOOO!” Walang humpay ang pagsisigaw ng mama ni Lito noong makitang habang nakatihaya ito sa kama na walang malay, ang kaliwang pulso nito ay laslas at maraming dugo ang nagkalat. Tumagos ang iba sa bedsheet, sa sahig, at patuloy pang umaagos at pumapatak ang mga ito sa sahig.

Taranta ang lahat at nagkagulo pati na ang mga katulong. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

Kahit gumapag din sa akin ang matinding pagkataranta sa nakitang nagkalat na dugo, pinilit kong pakalmahin ang sarili at mag-concentrate sa tamang gagawin. Agad kong inagapan ang sugat niya, hinablot ang bedsheet, puwersahan itong pinunit at inaplayan ng tourniquet ang parte ng braso kung nasaan ang nilaslas niyang pulso.

“Ihanda po ninyo ang sasakyan!” sigaw ko sa papa ni Lito na dali-dali namang bumaba at hinagilap ang driver.

Nagkandaugaga naman akong buhatin si Lito palabas ng bahay kung saan naghintay na ang van nila. Noong makitang nahirapan ako sa pagbuhat, tinulungan ako ng papa ni Lito hanggang sa maipasok namin ito sa passenger’s seat. Sumama na rin ako sa hospital. Ako ang katabi ni Lito sa upuan, nakasandal siya sa akin, hawak-hawak ko ang kamay na may sugat at inangat upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat. Sa kabilang side naman ni Lito ay nakaupo ang mama at papa niya.

Na-admit naman siya kaagad. Ang problema, kailangang masalinan siya kaaagad ng dugo at walang mahagilap na kaparehong type ng dugo niya. Mahirap daw kasing hanapin ang type na iyon. Kahit ang type ng dugo ng mama at papa niya ay hindi tugma. Nag-volunteer akong magpacheck at ako man ay namangha dahil sa magkapareho ang type ng dugo namin. Kaya agad-agad akong pinahanda upang kunan ng dugo upang isalin kay Lito.


Dahil sa mabilis na pagsalin ng dugo sa kanya, idineklarang ligtas na si Lito sa kapahamakan. Laking pasalamat naman ng mga magulang ni Lito sa akin na kahit papaano, hindi ko iniwan ang anak nila. Hindi rin ako umalis sa tabi ni Lito. Doon na ako nakatulog sa private ward niya.

Umaga, gising na ako. Umuwi muna ang mga magulang ni Lito upang magpahinga, pansamantala namang inihabilin sa akin ang pagbanatay.

Tulog pa rin si Lito. Bagamat hindi pa siya nagkamalay simula noong gabing na-confine siya, ramdam kong ligtas na siya. Pinangmasdan ko ang anyo niya habang natutulog. Pansin ko ang pagpayat, ang mukhang dati ay punong-puno ng sigla ay nagbago; mistulang mukha ito ng kawalang pag-asa, ng paghihirap ng kalooban, ng kalungkutan. Nakakaawa…

Naalala ko pa noong sobrang close pa namin sa isa’t-isa, isang beses nag-inuman kami doon. Trip lang namin, at kaming dalawa lang. Isang lingo iyon matapus ang test. Masayang-masaya siya sa araw na iyon dahil sa siya ang nagta-top sa karamihan ng subjects niya. As usual syempre, siya ang taya. Paano, eh, wala naman akong pera. Noong medyo nag-iinit na kami sa nainum, bigla na lang itong nagtatakbo sa aplaya. At habang nagtatakbo, isa-isang hinubad nito ang mga damit niya ikinalat angmga ito sa buhanginan hanggang sa ang puting brief na lang ang natira sa katawan. Syempre, di nawawala ang paghanga ko sa magandang hubog na katawan niya. Proportioned ito, matipuno, may six-pack abs at hunk na hunk ang dating. Pero, hanggang sa paghanga lang ito, wala nang iba pa.

“Ligo tayo Tol! Woooohhhhh! Sarap maligo!” sigaw niya.

Tawa nang tawa ako sa nakitang tila batang nagwawala na kaibigan. Ngunit nanatili lang ako sa harap ng cottage namin at pinagmasdan siyang lumusong sa tubig.

Maya-maya, bumalik, may dalang kabibi, iyong giant clam, halos kasing laki ito ng bungo ng tao. “Ano yan, tol?” tanong ko. Akala ko talaga ay buhay at may laman pa, habang bitbit-bitbit niya ito patungo sa akin. “Wahhhh! Anlaki!” sabi ko, di makapaniwalang sa dagat na iyon may ganoon pa kalaking buhay na kabibi.

Noong makalapit na siya sa akin at akmang hihipuin ko na sana ito sa pag-aakalang buhay nga, bigla naman niyang tinanggal ang nakapatong na shell at ang tubig na laman ng kalahating shell ay inihagis sa akin sabay karipas ng takbo.

“Arggggh! Tangina!” Sigaw ko sa pagkabigla at pagkabasa ng damit. Dali-dali ko namang hinubad ang t-shirt at pantaloon, natira na lang ang brief at sinugod siya.

“Tol… grabe ka pala kapag nabigla, anlaki-laki ng butas ng ilong mo!” pang-aasar niya habang nagtatakbo at tumatawa.

“Sige, tawa ka pa d’yan. Kapag naabutan kita, dila lang ang walang latay sa iyo!”

Para kaming mga batang musmos na naghabulan sa dalampasigan hanggang sa maabutan ko na sya, nagpambuno kami, pagiling-giling sa buhanginan. At noong na pin down ko siya at nasa ilalim ko, inupuan ko ang tiyan niya, hinablot ang buhok niya at iminudmod ang ulo sa buhangin. “Um! Um! Um!”

“Arayyyy! Tado ka…” sigaw niya habang sinikap naman niyang pwersahin akong itihaya.

At dahil sa mas malakas siya kaysa sa akin, agad din niya akong napatumba at ako naman ang napatihaya. Dali-dali niyang dinaganan ang katawan ko. Inilock niya ang mga paa niya sa paa ko, at ang dalawang kamay niya sa kamay kong nakalapat sa buhangin sa may uluhan ko. Napako ako sa posisyon na iyon habang ang mga mukha namin ay halos maglapat na, dinig na dinig at naaamoy naming pareho ang hangin na lumalabas sa mga bibig naming habol-habol ang hininga.

Inaakala kong mayroon siyang gagawin sa akin na kagaya ng sasakalin ako, o hihilahin ang paa o braso o hahablutin ang buhok, ngunit nanatili lang siya sa ganoong posisyon, nakatitig sa akin.

Noong mapansing nakatitig lang siya sa akin sa posisyon na iyon, nagsalubong kaagad ang kilay ko, nagtatanong ang isip kong anong kabulastugan na naman ang nasa utak niya. “Ano? Ba’t ganyan ka kung makatitig?” ang sumbat ko, habang naka-lock ang katawan ko sa pagdagan niya.

Tila natuhan naman siya sa tanong ko sabay sabing, “Ano, lalaban ka pa?”

“Paano ako makalaban, e nilock mo ako?”

“E, di talo ka.”

“Oo na, talo ako.”

“May parusa ka.”

“Ano?”

“Iki-kiss kita.”

“Tangina ka Tol! Nababakla ka na yata sa akin! Bakla!” biro ko sa kanya. Iyon naman ang palagi kong biro sa kanya eh. Paano maraming beses ko na siyang nahuling parang iba kung makatitig. At madaling napipikon pati kapag tinawag na bakla. Pero, walang malisya sa akin iyon. Pati iyong pagbibiro ko sa kanyang "bakla", walang laman iyon.

Kaya noong mapikon na naman siya, bigla din niyang hinablot ang buhok ko at iminudmod ang ulo sa buhangin. “Bakla pala ha… Um! Um! Um!”

Pumiglas ako at humarurot na ng takbo. “Bakla! Bakla! Bakla!” pang-aasar ko habang tumatawa ng malakas.

Habol ulit siya. Tawanan.

Noong mapagod na kami, inum uli ng beer habang nakaupo sa buhanginan. At may naiibang klaseng posisyon kami kapag ganoong umuupo sa buhanginan o damuhan. Nakaangat ang kanan kong tuhod at si Lito naman na nakaupo sa kanan ko ay doon sasandal, paharap sa akin. Ang kanan naman niyang tuhod ay iangat din niya at siya ko namang sasandalan ito. Sa posisyong iyon, para kaming magkasintahan, halos magyayakapan na. Minsan habang nasa ganoong ayos, nagbibiruan kami, at ang palaging ginagawa ni Lito ay iyong mga daliri niya na pabirong igagapang sa dibdib ko, sa tyan, at pababa minsan sa umbok ko ng pagkalalaki. Wala lang naman sa akin iyon. Tatawa lang ako. Pati siya, tatawa din. Ako nga din, kinikiliti ko siya sa tyan, sa kil-kili. Wala din naman kasi siyang ginagawa na iba pa. At lalong hindi ko alam na iba pala ang naramdaman niya. At syempre, pareho lang kaming naka-brief kaya kung may ibang taong makakakita sa ginagawa namin, iisipin talagang may relasyon kami. Pero, wala kaming pakialam. At sa panahong iyon, hindi ako naaasiwa sa ginagawa namin.

Pauwi na kami at nagbibihis na ako noong pinulot ni Lito ang kabibi sa buhanginan kung saan niya ito nailaglag noong binuhusan niya akong tubig-dagat. Ewan kung ano ang napasok sa utak niya, o baka dala na rin ng kalasingan, kinuha niya ang dalawang biyak, nilinis at pinunasan ang loob ng mga ito.

“Ano ang gagawin mo d’yan?” Tanong ko.

“Lagyan natin ng pangalan, tol, at Buo-in natin…” sabay kuha ng pentel pen niya sa bag at isinulat ang pangalan niya, pirma at petsa ng araw na iyon sa isang hati. Iniabot naman niya ang pentel pen at ang isang kahati noong kabibe. O, yan, isulat mo ang pangalan mo sa hati na iyan.” Sabi niya.

Kinuha ko ang iniabot niyang kahati at ang pentel pen. Bagamat nalito, isinulat ko pa rin ang pangalan ko, pinirmahan at nilagyan ng petsa. “Bakit?” tanong ko pagkatapus kong magsulat doon.

“Wala lang. Trip ko lang.” sagot niya. “Buo-in natin ito…” sabay kuha naman ng pantali at binuo an dalawang pares na parang buo pa rin iyong kabibi.

Noong matapos niyang talian, “Anong gagawin mo d’yan?” tanong ko ulit.

“Patunay ito, Tol, na di tayo maghiwalay, na di tayo magbabago sa isa’t-isa…” tiningnan niya ako. “OK ba?” dugtong niya.

Medyo na-cornihan pero napa- “O-oo. Ok. Ok yan.” din ako. Kahit kasi corny, pero dahil mahal ko naman talaga ang kaibigan ko – bilang kaibigan – natuwa na rin ako, lalo na napakabait sa akin ni Lito, mayaman, at malaki ang naitutulong sa akin.

“Maipangako mo kaya tol na di ka magbabago? At na hindi tayo maghihiwalay ano man ang mangyayari? N magtutulungan tayo habambuhay?”

“Promise! Cross my heart!” ang binitiwan kong pangako.

“Itaas mo ang kanang kamay mo pag nagpromise ka” dugtong niya.

“Putsa naman o. O sige na nga…” ang pagprotesta ko. At itinaas ko ang kanang kamay, “Promise!”

“Eh.. paano kung may mali akong magawa o kaya’y may isang bagay akong itinatago na di mo magustuhan, magiging buo pa rin kaya ang pagiging magkaibigan natin?”

“Hahaha! Tado ka talaga!” sagot ko naman. “Ano pa bang pwede kong malaman sa iyo? E kahit nunal sa titi mo at titi ko alam nating pareho” ang pagparinig ko. May mga time kasi na minsan sabay kaming nagpaparaos, kanya-kanyang diskarte, at pagkatapus, kinukumpara namin ang titi ng isa’t-isa. Normal lang naman iyon sa mga close na mga lalaking magbarkada.

“Hindi nga, mag-promise ka!” giit niya.

“O sige…” at itinaas ko uli ang kanan kong kamay “Promise!”

“E… paano kung magalit ka sa akin? Mapapatawad mo kaya ako?” tanong uli niya.

Napakamot na ako sa ulo. “Bakit ba ako magagalit sa iyo? Di mangyayari iyon Tol, ano ka ba? Ako magagalit sa iyo? Baka ikaw pa ang magagalit sa akin, makukulitan o maiinis sa palagi kong pagpapalibre” biro ko sabay tawa ng malakas.

“Basta, sagutin mo ang tanong ko. Mapapatawad mo kaya ako kapag may nagawa ako o may di mo magustuhang malamang sikreto ko?”

“Ano ba yan!” Sigaw ko sa sarili. “Oo patatawarin kita, promise!” ang nasambit ko dahil sa nakukulitan na ako at gusto ko na ring umuwi.

“E, paano ko naman malalaman na pinapatawad mo na ako?”

Nainis na talaga ako sa tanong niya kaya, “Letse na yan! E di mag sorry eh!” Ngunit sa sagot kong iyon ay napansin kong nasaktan siya at sumimangot ang mukha kaya binawi ko rin at naghanap ng magandang isasagot. “Hehehe! Biro lang po…” sabi ko. “E… di hanapin ko ang kabibi na yan at ibibigay ko sa iyo”

Napangiti naman si Lito sa sinabi ko. “Talaga tol? Gawin mo iyan?”

“Oo naman” ang sagot ko nalang upang huwag na siyang magtampo. “O sige, alis na tayo…” mungkahi ko.

“Sandali! Ibaon ko muna itong kabibi dito… sa ilalim ng hagdanan nitong cottage natin”

At nagsimula siyang maghukay gamit ang mga kamay. At dahil gusto ko na rin talagang umuwi, tinulungan ko na rin siyang maghukay upang mapabilis. Siguro ay may 3 talapakan na ang lalim noong sinabi ko nang “Tama na yan, malalim na iyan!” At saka pa inililatag ni Lito ang kabibi at pagkatapus ay pinagtulungan din naming itong tabunan ng buhangin.

Sa parte ko naman, hindi ko na binigyang pansin iyon. Di ko naman kasi iniisip na hahantong sa ganoong sitwasyon na maranasan ko ang matinding galit sa kanya o manganganib ang pagkakaibigan namin.

Tulog pa rin si Lito habang naglalaro sa isip ko ang mga eksenang iyon sa beach. At namalayan ko na lang na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla namang sumingit ang isang eksena doon sa deepening namin kung saan ang isang buddy namin, si Buddy Rofil ay nag unveil sa mga problema niya sa buhay.

Ang buddy na iyon ay may kapansanan. Noong maliit pa siya ay nagkapolio ito at kailangang gumamit ng crutches upang makalakad ng maayos. Ngunit hindi lang diyan nagtapus ang kanyang kalbaryo; may mukha siyang masasabi mong talagang pangit. Malalaki at luwa ang mga mata, malalaki ang pisngi, malaki ang ulo, pango ang ilong, at maitim. Ngunit ang nagustuhan namin sa kanya ay ang pagkamasayahin niya, palabiro, maalalahanin, matulungin, mother-figure sa grupo kumbaga. At kapag may problema ang mga kaibigan niya, sa kanya nanghihingi ng payo. Sa kabila ng hitsura at kapansanan niya, hindi mo makikita sa mukha niya na may hinanakit siya sa mundo. Ngunit noong siya na ang nasa hotseat, ang mga sinabi niya ay nakaukit sa isipan ko.

“Marahil ay iniisip ninyo wala akong problema… mayroon din. Syempre, alam nyo na. Hindi ko man sasabihin, nakikita naman eh, di ba? Alam ko kung ano ang iniisip ng mga tao kapag nakita nila ako, ang iba ay naaawa, ang iba naman ay may bahid panlalait. Simula noong bata pa lang ako, inaaway na sa school, walang gustong makikipagkaibigan at kahit may mga tao ding sa harap ay nakikisalamuha pero nararamdaman kong ang iba sa kanila ay nandidiri o kaya’y pinag-uusapan nila kapag nakatalikod na ako. Masakit. Ngunit natutunan ko pa ring lumaban. Na hanapin ang lakas na mabuhay at humarap sa mga pagsubok sa kabila ng lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok. Napakaraming taong sa kabila ng nasa kanila na ang lahat ngunit hindi pa rin sila maligaya o kuntento. May mga taong napakayaman na ngunit sa konting problema lang ay nagda-drugs na o kaya’y nagpapakamatay, sinasayang ang buhay. Kahit ganito lang ako, pero natutunan ko ang halaga ng buhay, at lalaban ako hanggang sa kaya ko. Hindi ko man alam kung bakit ibinigay sa akin ng maykapal ang ganitong klaseng buhay, ngunit alam ko, may silbi pa rin ako sa mundo, I have a place under the sun, at gagawin ko ang makakaya ko upang maraming tao ang mapapaligaya ko at matulungan. Napakasarap mabuhay sa mundo. At lalo itong mas masarp kapag wala kang galit sa puso, kapag marunong kang magpatawad, marunong magmahal...”

Tulog pa rin si Lito. Dali-dali akong lumabas ng ospital at pinuntahan ko ang beach… Agad din akong bumalik. Sa pagbalik ko, tulog pa rin siya.

Maya-maya, nagising siya. Noong iminulat niya ang mga mata, tila disoriented at inaaninag ang kisame ng kwarto. Noong ibaling niya ang paningin sa paligaid, ako ang una niyang nakita.

Nginitian ko siya.

Ngumiti din siya. Ngunit bahagya lang at agad napako ang mga tingin niya sa kawalan. Maya-maya, napansin ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

“Tol… ligtas ka na.” Sabi ko.

Hindi kaagad siya sumagot. “S-sana… namatay na lang ako Tol. Ayoko nang mabuhay pa.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, Tol. Hindi ako papayag na mamatay ka. Kailangan ka namin, Tol… Kailangan ka ng mga magulang mo, ng mga taong nagmamahal sa iyo. Napakasarap mabuhay. Lumaban ka. Naalala mo ang sinabi ni Buddy Rofil? May halaga ka sa mundo… May silbi ang buhay mo. May dahilan kung bakit nandito ka.”

Tiningnan niya ako. “N-napatawad mo na ba ako Tol?”

Tumango lang ako.

Ngunit tila hindi siya kumbinsido sa pagtango ko. “Paano ko malalaman na tunay mo nga akong pinapatawad?”

At inabot ko sa ilalim ng kama niya ang dala ko at ipinakita iyon sa kanya. “Ito tol… patunay na napatawad nakita. Nakita mo, buo pa rin ito.”

Kitang-kita ko naman ang matinding tuwa sa mukha ni Lito nang makita ang dala ko para sa kanya. “A-ang kabibe! Natatandaan mo pa pala iyan, tol!”

(Itutuloy)


--------------------------------------------------------

“Tol… I Love You!” [8]:
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

Simula noon, balik na naman ang pagiging close namin ni Lito. Ang kinikimkim kong galit sa kanya ay nadaig ng matinding awa. “Sino ba ako upang hindi magpatawad…” Tanong ko sa sarili, lalo na kung nakikita mo naman na ang taong nagkasala sa iyo ay taos-puso at tapat na nanghingi nito. Alam ko, abot-langit ang pagsisisi niya sa nagawa niyang kasalanan sa akin. Alam ko rin na sobrang bigat ang pinapasan niya sa buhay hindi lang dahil sa guilt na nadarama, nad’yan din ang problemang ng hirap ng pagtanggap sa sarili sa pagkatuklas sa naiiba niyang pagkatao, at nad’yan pa iyong sama ng loob niya sa pagkadiskubreng ampon lang siya. At isa pa, ayokong magiging isa sa dahilan kung sakaling maisipan man niyang muli ang kitilin ang sariling buhay. At syempre, ayoko ring masira ang respeto ng mga magulang niya sa akin na kung saan ay tunay na anak na rin ang turing sa akin, sa laki rin ba naman ng na utang loob ko sa kanila. Kaya, minabuti kong kalimutan na lang ang kasalanang nagawa ng kaibigan ko sa akin. “Ang kasalanan lang naman niya siguro ay minahal niya ako, at hindi niya kayang ma-kontrol ang sarili…” sabi ko na lang sa sarili.

So, balik-close at magkaibigan uli kami; may kaibahan na nga lang. Sa pagkakataong iyon ay sa side ko, may kaunting pagkailang dahil sumisiksik sa utak kong may kakaibang naramdaman siya para sa akin. Kahit mahal ko naman talaga ang kaibigan bilang isang kaibigan at bilang turing-kapatid na rin, ang nangigibabaw sa akin ay awa na lang para sa kanya. Ngunit hindi ko ipinahalata ang lahat. Ayokong isipin niya na may nagbago sa akin at masaktan uli siya.

Kaya, balik uli kami sa laging pagsasama sa school, sa mga gimmick, ang harutan, ang kantyawan, biruan.

Ngunit, may napansin din akong iba sa mga galaw niya. Hindi ko na nakita pa ang dating natural na saya sa mukha niya. Parang may kulang ito, may pagkukunwari. Oo, nagtatawanan kami, naghaharutan, nagbibiruan, ngunit may mga pagkakataon ding bigla na lamang itong umiiwas, nawawala sa samahan, at makikita ko na lang na nag-iisa ito, nagmumukmok sa isang sulok, malungkot, at malalim ang iniisip.

Isang araw, noong mapansin kong bigla na lamang itong nawala sa umpukan naming magkaklase, hinanap ko siya; nahanap ko sa likod ng building ng campus, sa may mini-park nito, nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng akasya, nag-iisa, naka-earphone. Nakatalikod siya sa akin at sa kagustuhang sorpresahin sana siya, dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Nagulat siya noong nakita niyang nakaupo na ako sa tabi niya. Excited pa naman ako na nahanap ko siya. Ngunit noong magkasalubong ang aming mga tingin, pansin ko ang malungkot niyang mukha at ang mga namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Ngumiti siya ng bahagya, “Ikaw pala, tol… ginulat mo ako ah.” ang sambit niya sabay lingon sa malayo at dali-daling hindi pinapahalata ang pagpahid ng mga kamay niya sa mga luhang pinipigilan niyang huwag dumaloy sa kanyang mukha.

Kunyari hindi ko napansin iyon. “Ba’t iniwanan mo ako sa umpukan natin?” ang tanong ko.

Yumuko siya, tila nahihiyang mapansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “W-wala… may naisip lang ako, at gusto ko ring mag-music tripping.” ang sagot niya.

Ngunit naramdaman kong hindi siya nagsabi ng totoo. Hinawakan ko ang panga niya at iniharap ang mukha niya sa akin. “Tingnan mo nga ako tol?” sabi ko. “Hindi ka nagsabi ng totoo e. Ano ba talaga ang dahilan?” pangungulit ko.

Kinabig niya ang kamay ko sa panga niya at yumuko uli. Natahimik siya sandali. “Wala naman din akong interest sa mga bangkaan. Nag-uusap kayo, mga babae, mga magagandang babaeng trip ninyo dito sa campus, nagkakatyawan na baka bakla si ganire, si ganito… Pakiramdam ko, ako ang pinapatamaan nila e…”

Bahagyang nagulat naman ako sa sinabi niya. “Ito naman o… Huwag mo namang bigyan ng masamang kahulugan ang mga sinasabi nila. Walang bahid patama ang mga bangkaan namin, alam ko yan. Ganoon naman talaga ang mga kaklase nating iyon dati pa, di ba? Malakas mang-asar…” ang pag-takip ko na lang.

“Hindi tol… sa tingin ko, ako ang pinapatamaan nila e.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, tol… Ito naman, o. Sobrang sensitive mo naman.” Ang nasabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko lang, pakiwari ko ay naramdaman ko rin ang kahirap ng katayuan niya. “Malalampasan mo rin iyan tol. Either mawala din sa iyo iyan, o matatanggap mo rin ang lahat ng iyan” dugtong ko.

Hindi na siya kumibo. Binitiwan lang niya ang isang malalim na buntong-hininga at tumingin na sa malayo. Marahil ay nasabi na lang niya sa sarili na, “Nasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko”

Sa kagustuhan kong sumaya ang mood niya, iniba ko ang usapan. “Hey… ano bang kanta iyang pinapakinggan mo, tol…” Ang naitanong ko, tukoy sa pinakinggang sound sa earphone niya. “Pakinig mo naman sa akin.”

Pansin kong nag-aalangan siya, ngunit tinanggal din niya ang earphones sa tenga niya at iniabot ang mga ito sa akin. “Paborito kong music iyan, Tol…” sabi niya.

tinanggap ko ang mga ito at inilagay sa aking mga tenga. At habang pinakinggan ang tugtog, yumuko naman siya, tila nahihiya sa magiging reaksyon ko -







“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

At nakita ko na lang ang sariling imbes na ako ang magpapasaya sa kanya, naramdaman kong gumapang sa katawan ko ang lungkot, o awa sa kanya. Pakiwari ko ay kinurot ang puso ko sa narinig. Noong matapos kong pakinggan ang kanta, tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at iniabot ko uli iyon sa kanya. Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tinitigan ko siya, may bahid na pagkaawa ang aking mga mata, nakikisimpatiya sa kanyang naramdaman. “Hindi mo pa rin ba ako kayang malimutan?”

Nanatili pa rin siyang nakayuko, ang mga tingin ay napakalalim, at ang mga kamay ay wala sa isip na inilalaro sa mga damong naka-usli sa may harapan ng inuupuan niya. At napansin ko na lang ang mga luhang pumatak sa damuhan ding iyon. “Kung kaya ko pa lang sana tol… wala na sanang problema” ang maikling sagot niya.

Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na lang ang paningin sa malayo, nag-iisip kung paano ko siya matutulungan sa kanyang kalagayan.

“Ngunit huwag kang mag-alala, tol… dahil tanggap ko naman na hindi mo ako pweding mahalin eh. Kaya, kaya…” hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil sa tuluyan nang nag crack ang boses niya.

Nanatili pa rin akong nakayuko, hinayaan siyang ipalabas niya angkanyang saloobin.

Pilit niyang ipinagpatuloy ang mga salitang gustong kumawala sa bibig niya. “… kaya hayaan mo na lang akong sa kantang iyan ko damhin ang pagmamahal ko sa iyo. Sa kantang iyan, ramdam kong mahal mo din ako, na masaya tayo, na kaya mong gawin ang lahat para sa akin. D’yan ko na lang naipapalabas ang lahat, ini-imagine na nand’yn ka, aking-akin, na mahal mo rin ako at napaka-swerte ko dahil ikaw ang pinili at tinibok ng puso kahit pa man alam kong hindi pwedeng mangyari ito.” At humagulgol na siya. “Para akong baliw, tol… nagpapantasya, nangangarap, na sana nasa ibang mundo ako at totoong nangyari ang mga sinasabi ng kantang iyan sa akin; na doon ‘Lucky’ nga ako.” Tukoy niya sa pamagat din ng kanta.

Hindi ko lubusang maintindihan ang tunay na naramdaman sa tagpong iyon at kung ano ang gagawin upang maibsan ang paghihirap niya. Ang alam ko lang ay matinding pagkaawa ang bumalot sa pagkatao ko sa mga sandaling iyon. “Yakapin mo ako, tol kung iyan ang magpapagaan ng kalooban mo.” Ang nasabi ko na lang.

Ngunit hindi siya yumakap sa akin. Ang ginawa ko, umusog ako sa kanya at ako na ang yumakap dito. Bagamat naramdaman kong sumandal siya sa akin, dali-dali din siyang kumalas. “Huwag tol… ok na ako” ang sambit niya.

“B-bakit?” tanong ko ng naguluhan.

“May mga taong nakakakita. Ayokong lalo kang madamay sa mga problema ko, tol. Alam kong nagsakripisyo ka rin sa nangyari. Pati girlfriend mo, hiniwalayan ka na rin. Naawa ako sa iyo. Kaya OK lang ako, huwag mo akong intindihin.” Ang paliwanag niya.

Doon nagsimula ang pagkahabag ko sa kaibigan. At ito rin ang nagpatuliro sa isip ko dahil alam ko na isa ako sa solusyon sa dinadala niyang bigat na saloobin. Bagamat gusto kong tulungan siya, nahirapan din ako sa kalagayang hayan siya, hinahangad ang pag-ibig ko ngunit hindi ko naman matanggap na magkunyari sa kanya dahil babae ang hinahanap ko, babae ang gusto kong makarelasyon. “Paano naman ang kaligayahan ko?” tanong ko sa sarili.

Ngunit habang tumatagal ang ganoong set-up at nakikita ko ang kanyang paghihinagpis, lalo din akong tila nato-torture. Kaya naisipan ko na lang na kausapin si Lito. “Tol… total Friday ngayon, pwedeng doon ako matulog sa inyo?”

Kitang-kita ko naman ang bakas ng tuwa sa mukha niya. “Oo ba? Sure!”

“Inuman din tayo ha?”

“Iyon lang pala, sige!”

Alas syete ng gabi noong dumating ako sa bahay nila. Syempre, kasali ako sa dinner ng pamilya dahil noong malaman ng mga magulang ni Lito na aakyat ako ng dalaw, hinintay nila talagang makasali ako sa dinner. Kumustahan, kwentuhan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga magulang ni Lito sa akin. Bagkus pakiramdam ko ay lalo pa akong napamahal sa kanila.

“Kumusta ang pag-aaral, Warren?” tanong ng papa ni Lito sa akin.

“OK naman po…” ang maiksi kong sagot.

“Alam mo, Warren, madyo bumalik na rin ang magandang performance nitong kaibigan mo sa school. Sana tuloy-tuloy na ito. At sana huwag kang magbago ang pakikitungo mo kay Lito, Warren. Ikaw lang ang nagpapalakas ng loob niyan. Sana – “

“Uhum!” ang pag butt-in naman ni Lito, halatang hindi nagustuhan ni Lito ang sinasabi ng ina.

Tiningnan lang si Lito ng mama niya at nagpatuloy ito. “Sana patuloy mo siyang intindihin, aalalayan, suportahan…”

“Ma, it is not Warren’s responsibility to look after me. He has his own life and he can do whatever he wants with it. Huwag po ninyo siyang i-pressure sa akin. At huwag ninyong gawing kaawa-awa ang anak ninyo sa mata ng ibang tao!” ang mataas niyang boses, sabay tayo at alis sa hapag-kainan, hindi na magawang uminom. Tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor kung saan nandoon ang kwarto niya.

Bigala namang natulala kaming lahat, at hindi nakakibo.

“Ah… Ma, Pa, excuse me po, susundan ko lang po si Lito sa kuwarto niya.” Ang nasambit ko naman.

“S-sige hijo. Pasenya ka na ha? At ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kaibigan mo.” Sagot naman ng mama ni Lito.

Hindi naka-lock ang kwarto ni Lito kaya dire-deretso akong pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakatutuk ang mga mata sa kisame. “Tol… bat ka naman nag-walk out? Ikaw talaga o… Nasasaktan ang mga magulang mo.”

“Yun na nga tol eh. Sila nasasaktan. Paano naman ako? Hindi ba nila alam na nasasakal na rin ako? Sabagay, di naman talaga nila ako anak...” ang may halong pagdaramdam na sabi niya.

“Ano ka ba, tol? Wala ka dapat problemahin sa kanila. Dapat nga masaya ka eh dahil nand’yan sila. Huwag kang maag-isip ng ganyan, napakabait nila”

“Ayaw ko lang kasi tol na kaawaan ako. At lalo nang ayaw kong ididiin nila sa iyo na kailangan mong ganito ang gagawin mo sa akin. Kung may gagawin ka man para sa akin, iyan ay hindi dahil sa utang na loob mo sa amin, o dahil sinabi iyan ng mama ko, o ano pa man. Ayoko nang ganoon. Gusto ko ay iyong kusa, o bukas sa kalooban mong gagawin para sa akin ang isang bagay. Ok lang sa akin kahit hindi mo ako puntahan dito, o kahit pa hindi na tayo palaging magsama. At least alam kong hindi ka na galit sa akin. Iyon lang ang importante. Kasi mas masakit kapag nalaman kong sa kapag may ginawa kang maganda sa akin at malaman ko na lang na hindi pala ito ang tunay mong kagustuhan, diba?”

“Ok… ok…” ang sabi ko na lang, sabay hila sa isang braso niya upang maupo siya sa kama. Hindi na ako sumagot pa sa mga sinasabi niya. Noong makaupo na, niyakap ko siya, hinahaplos-haplos ang likod sabay sabing, “Pwede mo akong yakapin... Dito walang tao, walang makakakita sa atin.”

At… nagyakapan nga kami. Humahagulgol siya sa mga bisig ko at hinayaan kong maipalabas ang lahat ng mga hinanakit niya. Hanggang sa tila napagod na siya sa pag-iyak.

Tumayo ako at tinumbok ang refrigerator niya. Kumuha ako ng 2 bote ng beer. Binuksan ko at noong bumalik na sa kama, iniabot sa kanya ang isa at umupo na rin ako doon.

Naka tiglilimang beer na kami noong ramdam kong nag-init na ang aking katawan. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya at itinutok ko ito sa mukha ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagpupungay nito gawa ng kalasingan. Nagtitigan kami. At naalimpungatan ko na lang na lumabas sa bibig ko ang tanong, “Tol… gaano mo ba ako kamahal?”

(Itutuloy)

Tol I love You Part 5-6

“ARRRGGH!” sigaw kong bigla upang maputol ang pagsasalita ni Lito at mabaling ang atensiyon ng grupo sa akin. Hinawakan ko naman ang isa kong paa, nagkunyaring may masakit sa parte na iyon at pasikretong kinurot ito ng malakas. “Kinagat ako! Shiit! Ahhhhh!”

Nagulat at nagkagulo ang mga kasama namin. Ngunit nanatili si Lito na nakaupo sa hotseat, nahalata ang pag-arte kong iyon. Pasikreto ko naman siyang dinilatan, pahiwatig na ayaw kong ituloy pa niya ang sasabihin.

“Ano ba’ng kumagat sa iyo? Tanong ng moderator sa akin, halatang kinabahan sa nangyari.

“Ewan ko ba, buds…”

“Tingnan ko nga…” Sinuri niyang maigi ang paa kong inireklamo. “Parang wala namang kagat, namumula nga lang na parang nakurot.”

Ramdam ko naman ang pagkahiya sa sinabing iyon ng moderator. “K-kaya nga eh...”

“Sobrang sakit ba buds?” tanong ulit niya, tiningnan ang mukha ko.

“Hindi na… hindi na buds. Medyo OK na sya.” Ang pagdadahilan ko na lang upang hindi na sila magwo-worry at baka mahalata na ang pag-arte ko.

“Ah, sige. Obserbahan na lang muna natin at kapag in a few minutes ay masakit pa rin siya o lalong titindi ang sakit o kaya may iba kang naramdaman sa katawan, tatawag na tayo ng first aid.”

“S-sige buds. Iyan na lang ang gagawin natin.” Sagot ko. Napalagay naman ang sarili ko sa narinig.

Binitawan ng moderator ang tatlong mabilis na sunod-sunod na palakpak, pahiwatig ng attention. “OK mga buddies, tuloy natin ang activity!” sigaw niya sa grupo na sumunod din kaagad sa utos niya at kanya-kanyang nagsibalikan sa kinauupuan. Ibinaling niya ang tingin kay Lito na nanatili pa ring nakaupo sa hotseat. “Ituloy mo na buds!”

“S-saan na pala akong parte?” Tanong ni Lito sa kanila.

“Doon buds sa may parang nadiskubre ka sa sarili ba iyon…?” sigaw ng isang buddy.

“Ah…” Napahinto si Lito ng sandali. Palihim na tumingin sa akin. “M-may nagawa akong kasalanan sa isang tao...”


Bumalik na naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa narinig at ramdam kong may nagbabadyang matinding galit na namang dadaloy sa aking kalamnan. “Tangina! Ayaw talaga paawat! Lagot ka sa akin kapag itinuloy mo pa iyan!” sigaw ng utak ko.

Nagpatuloy si Lito. “Noong magkita kami ng taong ito, inimbita ko siya sa bahay at doon, nag-inuman kami. Noong malasing siya, may nagawa akong pang-aabuso sa kanya… Hanggang ngayon, hindi ko maiwaglit ang pagkakasalang iyon, lalo na kapag nakikita ko ang taong ito at ipinapakita niya sa akin ang galit niya sa ginawa ko.”

Natahimik ang lahat. Ramdam kong maraming naglalarong katanungan sa kanilang mga isipan ngunit hindi lang nila kayang diretsahang maitanong ang mga ito, marahil ay sa hiya o takot na baka mapahiya si Lito.

Ngunit may isang buddy ring hindi nakatiis, “E… B-babae ba tong tao na to, buds?”

“Lalaki, buds…” and deretsahang sagot ni Lito.

Tumango-tango naman ang buddy na nagtanong, tila kinumpirma ang naglalarong hinala sa kanyang utak.

“Underage?” Tanong naman ng isang buddy.

“Hindi.”

“Ah… hindi naman pala eh. OK lang iyan buds. Walang mawawala sa lalaking nasa edad na.” patawa naman ng isa.

Tawanan ang lahat. Yumuko na lang ako, ang isip ay sumisigaw ng, “Anong walang mawawala? Labag sa kagustuhan, binaboy, tas walang mawawala?” Ngunit sinasarili ko na lang ito sa takot na baka mag-isip silang ako ang lalaking tinutukoy.

Maya-maya, may nagtanong pa uli, tila nahihiya ang tono. “B-bakla ka buds?”

Hindi kaagad nakasagot ni Lito. Mistulang may bumara sa kanyang lalamunan at pansin ko ring umiyak na naman siya. “Hindi ko alam buds… eh. Kaya nga akoy nalilito at nagagalit sa sarili, mahirap tanggapin, at lalo na, may nasaktan akong tao…” ang sagot niya habang pinapahid ng isang kamay ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

Patuloy mang kinabahan, wala na akong nagawa pa kungdi ang ipaubaya ang lahat kay Lito. “Bahala na… pero lalo kang makatikim sa akin, tangina mo!” sigaw ng utak ko.

“Kilala ba namin ang taong sinasabi mo?”

Hindi nakasagot agad si Lito. Halatang nag-isip. Maya-maya, ibinaling niya ang paningin sa akin.

Yumuko ako. “Tangina mooooo! Wag mo akong iturooo!” Sigaw ko sa sarili.

“Hindi na importante iyon mga buds, kung kilala ninyo siya o hindi.” Ang sagot niya.

“OK… nirerespeto namin ang sagot mo. Pero heto, sensya ka na sa tanong na to pero alam mo buds… napansin namin kanina sa search for prince charming habang naka swimming trunks lang kayo na may bakas ng mga kagat ka sa likod. Paano ka ba nakagat? At bakit?”

Mistulang naputukan naman ako ng bomba. “Tarantado kasi… tangina. Naghuhubad-hubad pa, di man lang naisip na hindi pa nawala ang bakat ng kagat! Sige, sabihin mo at makakatikim ka na naman sa akin…” bulong ko.

“Ah… e… pwede ba buds sa akin na lang iyon?” ang sagot niya.

Natahimik na lang ang lahat. Batid nila na tila hindi pa handa si Lito na ilahad ang lahat ng kuwento niya. Alam ko, lalong dumarami ang mga katanungan sa kanilang isipan tungkol kay Lito.

Nagsalita ang moderator. “Alam mo, buds, hindi porke’t nangyari sa iyo ang bagay na iyan ngayon ay masasabi mo na isa kang bakla. Marahil ay kung lilipas ang ilang taon at ganoon pa rin ang naramdaman mo sa kapwa lalaki, marahil iyan na nga. Ngunit ang pinaka-importanteng masasabi ko sa iyo, ay kahit ano ka pa man, tanggap kita at palagi kitang susuportahan.” Nilingon niya ang kapwa participants, “Kayo ba mga buddies, tatanggapin at susupurtahan pa rin ba ninyo si Lito kung sakaling bakla nga siya?”

“Syempre, buddy natin iyan?” sigaw naman ng mga buddies.

“So why don’t we show him our support!”

At sabay-sabay naman silang tumayo at nag-group hug. Naki-group hug na rin ako kahit na ang laman ng isip ko ay galit at pagbabanta, “Sige… ngayon may group hug ka sa grupo. Pero humanda ka at may mas malaking paddle at kagat ka uli sa akin! Tangina, ginagalit mo talaga ako!”

Noong ako naman ang nasa hotseat, ang binuksang issue ko lang ay ang problema sa pamilya, sa konting hindi namin pagkakaunawaan ng tatay ko na normal lang naman sa mag-ama, at mga malilit na issues lang kumpara sa karamihan sa kanila. Kaso, may nagtanong. “Buds, bakit pala parang hindi kayo nagkikibuan ni Buddy Lito? Mag-best friend kayo, diba?”

Napangiti naman ako ng pilit. Ini-expect ko na kasi na baka may magtanong. Alam ko kasing may mga nakapansin na hindi kami pagkikibuan ni Lito, na siguirado ako, nakadagdag-intriga sa kanila lalo na sa ginawang pagbunyag ng aking kaibigan. “Ah… normal lang yan sa magkakaibigan buds…” Sagot ko na lang.

“Hindi nyo ba pwedeng i-share kung ano man ang di ninyo pagkakaunawaan at upang ma-reconcile kayo dito mismo?”

Biglang kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. “Ah…” Tiningnan ko si Lito na nakaupo na kasama sa ibang mga participants.

Noong makita niyang tiningnan ko siya, yumuko ito, tila ang mensahe ay, “Bahala ka kung sasabihin mo o hindi”.

“Pwede bang sa amin na lang iyon?” ang sagot ko na lang.

“Ah, ok. Nirerespeto namin ang desisyon ninyo. Pero Kasi sayang iyong ipinakitang closeness ninyo eh. Inggit nga kami sa samahan ninyo. Para kayong kambal na hindi naghihiwalay sa sobrang pagka-malapit sa isa’t-isa, tapus bigla na lang ganyan. Pero pwede bang kung ano man iyang mga disagreements ninyo ay magpatawaran at mag-reconcile kayo dito mismo? Kasi di ba ang objective natin sa deepening na ito ay ang mag-improve tayo, matutu ng mga leksyon sa buhay...”

Sumang-ayon naman ang marami. At may sumigaw na. “Hug! Hug! Hug!” hanggang sa lahat na ng buddies ay sumigaw ng “Hug! Hug! Hug!”

Hindi tumayo si Lito, marahil ay sa takot pa rin na hindi ko tatanggapin kung siya ang unang lalapit sa akin. Kaya upang matapos na ang lahat at dahil ako naman ang nasa hotseat, ako na ang tumayo at lumapit sa kanya. Tumayo siya at nag-hug kami. “Tol, patawad…” ang bulong niya.

Ngunit binulungan ko sya ng, “Tangina mo. Lalo mo akong ginagalit! Plastikan lang ito ha? Hindi pa ako tapus sa iyo!” habang kunyari nakangiti ang mukha ko upang hindi mahalata ng mga kasamahan.

Habang nagpalakpan ang mga buddies, ramdam ko naman ang pagkadismaya niya. Bumalik ako sa hotseat at binigyan na ako ng group hug ng grupo.

Mag-aalas singko na noong matapus ang deepening. Bumalik na ako sa cottage kung saan ako naka-assign upang magpahinga. Nakahiga na ako noong tinapik ako ng isang buddy at gusto daw akong kausapin ni Lito. Ayaw ko sana ngunit dahil kailangang ipakita kong close na kunyari ulit kami kaya, “O Tol! Anong atin?” bati ko kunyari sa kanya at nakangiti pa habang tumayo ako palapit sa kanya.

“Heto gusto kitang makausap” sagot niya.

“O, e di sige… doon tayo sa may likod nitong cottage” Turo ko sa parteng may malalaking kahoy at medyo malayo-layo na sa mga kasama namin.

Pagkadating namin sa lugar at noong mapansing hindi na kami maririnig at makikita ng mga kasama, agad kong binanatan ng mura si Lito. “Tangina mo! Bat ka ba nagdrama! At muntik mo pa akong ibuking? Wala ka nang ginawa kundi sirain ang buhay ko, tarantado ka!” sabay din bitiw ng malakas na batok sa kanya.

Napahaplos siya sa parting binatukan ko ngunit hindi ito gumanti. Bagkus, buong pagkumbaba pa itong nagsalita. “Tol, manghingi lang naman ako ng tawad eh.” Ang sagot niya.

“Gago! Paano kita mapapatawad niyan, e hindi pa nga ako naka-recover sa mga pinaggagawa mo sa akin, heto na naman, gusto mo na naman akong pahamak!”

“G-guilty ako, tol. Di ako makatulog, di ako mapakali. Binubulabog ako palagi ng kusyensya ko. Heto nga, di ko maintindihan ang sarili sa nadiskubre ko sa sarili at sa naramdaman ko para sa iyo, tapus ngayon heto, nasaktan kita at sinira ko ang pagkakaibigan natin. Ang hirap tol. Di ko alam kung ano ang gagawin, kung kanino manghingi ng payo. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundo, walang kakampi, walang nakakaintindi, walang mapagsabihan ng nararamdaman ko. Para akong mababaliw...”

“Bullshit! Sarili mo lang ang inintindi mo! Bakit ako, hindi mo ba sinira ang buhay ko? Hindi mo ba sinira ang sarili kong pagtingin sa sarili? F*** You!” sigaw ko.

“Kaya nga nanghingi ako ng tawad tol eh…” at lumuhod siya sa harap ko.

“Pwes, di kita mapapatawad! Kapag may nakakakita sa iyo d’yn, ano na naman ang isipin nila? Hindi mo ba naiisip yan? Ha? Ha? Matalino kang tao pero heto, hindi ka nag-iisip! Tumayo ka d’yan, tangina! At hindi pa ako tapos sa iyo, tandaan mo. Mas matindi pa ang sunod na gagawin ko sa iyo!”

“T-tatanggapin ko, tol kung ito ang paraan para mapatawad mo ako. Kahit ano… Kahit magpapaalipin pa ako sa iyo…”

“Gusto mong madali ang pagpatawad ko sa iyo? Ganito ang gawin mo: magpakamatay ka, mapatawad kita kaagad!” sabay walkout.

Magtatanghali na iyon noong lumisan na kami sa isla. Dalawang pumpboat ang inarkila namin at ewan ko kung sinadya ni Lito na doon din sumakay sa pumpboat ko. Noong nasa kalagitnaan na kami ng dagat, nagbiruan kami tungkol sa mga girlfriends at boyfriend namin.

“Kapag sabihin ng mahal mong tatalon ka d’yan para patunayan ang pagmamahal mo sa kanya” sabay turo sa dagat “…tatalon ka?” tanong ng isang buddy naming lalaki.

“Oo naman…” sagot ng isang buddy naming lalaki, “…walang pagdadalawang-isip.”

“E, kung gusto mo namang may taong tumalon d’yan, sino naman iyon?” ang biro naman ng isang buddy.

Ako ang sumagot sa biro niyang iyon. “A, iyong may utang sa akin, na hanggang ngayon ay sinisingil ko pa rin!” sabay tawa.

Tawanan din ang grupo. Wala naman para sa akin ang biro na iyon. Ngunit maya-maya, may narinig na lang kaming sigaw, “Mga Buds! Nalaglag si Buddy Lito sa dagat!” habng turo-turo niya ang parte kung saannaiwanan na si Lito.

“Ipahinto ang pumpboat! Ipahinto ang pumpboat!” Sigaw ko, bigla akong nataranta. “Hindi marunong lumangoy iyon!!!”

(Itutuloy)


----------------------------------------------------

“Tol… I Love You!” [6]
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

Agad na bumalik ang sinakyan naming pumpboat sa parte na kung saan nhulog si Lito habang taranta naman kaming mga lalaking nagsitalunan sa dagat at ang mga babae ay nanghahagilap ng mga inflatables at inihagis sa amin.

Mabuti nalang at may dalawang lifeguards na nakasama naming sumakay sa pumpboat at bihasang-bihasa pagharap sa mga ganoong klaseng situwasyon.

Nakailang sisid din kami hanggang ang isa sa mga lifeguards ay sumigaw, “Dito na!” habang hila-hila niya ang walang malay na si Lito.

Kaagad naming pinagtulungang hilahin ang katawan niya upang maiakyat at mailatag sa pumpboat. Habang nakalatag ang katawan niya sa mahabang upuan ng pumpboat, tiningnan ko ang mukha niya. Namumutla na ito. Pinulsuhan ko kaagad siya. Noong wala akong mahagilap na pintig, at idinampi ko ang tenga sa bibig at pagkatapus, sa dibdib niya, inalam naman kung humuhinga siya o pumipintig pa ang puso. Ngunit wala akong makuhang bakas na humihinga pa siya o pumipintig ang puso.

Dahil sa ako ang nakasakay na at siyang nagbuhat sa katawan at naglatag nito habang ang mga lifeguards ay naiwan pa sa tubig, ako na ang binigyang-instruction nila. “I-CPR mo!”

“Ano iyon?” sigaw ko, ramdam ang tensyon sa boses.

“I-pump ang dibdib at i-mouth to mouth!”

At iyon ang ginawa ko kaagad. Pump, buga ng hangin sa bibig niya, pump, buga ng hangin…

Naka-ilang pump din ako at buga ng hangin noong bigla siyang umubo at sumuka ng tubig. Sa pagkakita ng lahat, nagpalakpakan sila sa sobrang tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba pang mga buddies.

Ngunit imbis na matuwa, kumawala sa akin ang galit na matagal ko nang tinimpi. Tila isang bulkang pumutok ito at naalimpungatan ko na lana ang sariling inupakan ng suntok sa mukha si Lito at pagkatapus ay hinablot ang niya buhok upang i-untog ang ulo sa sahig na nilatagan.. “Tangina ka! Pauwi na lang tayo, nagdadrama ka pa! Ano ba ang gusto mong mangyari?!!” Sigaw ko sa kanya.

Alam ko, nabigla din si Lito sa bilis ng mga pangyayari. Disoriented pa iyong tao at kababalik lang ng malay tapus, suntok ang sumalubong sa pagmulat niya ng mata.

Hindi makapaniwala ang lahat sa nasaksihan nila. At sa pagkabigla at nakitang hawak-hawak ko pa ang buhok niya sa ulo akmang i-untog ito sa sahig, hindi naman sila magkandaugaga sa pagsisigaw, “Warren! Warren! Manghunos-dili ka!” habang ang mga lalaki ay dali-daling hinawakan ang mga kamay ko.

“Warren!!! Sumusobra ka na ah! Ano bang akala mo sa sarili mo? Nasalba na nga iyang tao sa pagkalunod at ngayon ay gusto mo namang patayin?!!!” ang sigaw ng moderator namin, galit na galit at mistulang handang paulanan na rin ng suntok ang mukha ko.

“Arrrggggg!!!” Sigaw ko habang pumiglas ako sa pagkahawak nila at tumakbo sa may likuran ng pumpboat na pinaandar na patungo sa lugar namin. “Hindi nyo lang alam kung gaano katindi ang sakit na dulot ng kahayukang ginawa niyan sa akin! P**** ina niya! Binaboy niya ako! Sinira niya ang pagkatao ko!” At doon, napahagulgol na rin ako. Pakiramdam ko na sa kabila ng naramdaman kong sakit ng kalooban at agrabyo, wala akong kakampi, at bagkus, ako pa ang kontrabida.

Mistula namang nagulat ang lahat. Alam ko na sa pagtagpi-tagpi ng kuwento simula pa sa deepening kung saan ni Lito ibinunyag ang lahat, sa pagkakatong iyon, nakuha na nila kung sino ang taong tinukoy ni Lito sa kanyang pag-unveil ng kwento niya.

Habang patuloy ang pag-iyak ko, hindi naman malaman ng mga kasama namin kung ano ang gagawin nila at kung kaninong side sila papanig. Alam ko, naguguluhan din sila. Habang ang karamihan ay tinulungan si Lito sa nangyari sa kanya, may ilang kababaihang myembro naman ang lumapit at nagpakalma sa akin. “Buds… pwedeng i-hug ka namin?”

Tila may sumundot naman na nagpalambot sa puso ko sa sinabi ng mga babaeng buddies namin na iyon. At noong nag-group hug kami, lalong tumindi ang pagnanais kong i-unload ang sakit at bigat ng kaloobang dinadala. Napahagulgol uli ako sa harap nila, hindi makatingin sa kanila at patuloy na nagpapahid ng luha.

“Ok lang iyan buds. Sige, ipalabas mo ang lahat ng bigat ng saloobin.” ang sabi ng isang buddy sa akin.

“Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin iyon buds, eh. Akala niya siguro, bakla ako. Hindi ako bakla, tangina niya…” ang mahinahon kong pagpalabas ng hinanakit.

“Naintindihan namin buds… masakit talaga ang naranasan mo.”

Sa pagkuwento at pag-unlaod ko na iyon, naramdaman kong unti-unting humupa ang tension sa sarili. Tiningnan ko si Lito sa kinauupuan niya, nakayuko lang, tila tulala pa rin bagamat safe na. At bakat pa rin sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Ngunit sa sarili ko, nandoon pa rin ang galit...

Lunes, balik-eskwela na naman. Gustuhin ko mang maging normal ang lahat ngunit pakiwari ko ay pabigat ng pabigat ang naramdam. Sa nangyari sa pumpboat ay parang nag-iba ang tingin ng mga tao sa akin. Parang pinag-uusapan nila ako. Alam ko kasi na kahit amin-amin lang iyong mga sikretong nabunyag sa deepening activity namin, hindi rin maiwasang may hindi makapagpigil na sikretong magsalita, intentional man o pahapyaw. Sa araw ding iyon nalaman kong hiniwalayan na daw si Lito ng girlfriend niya.

Ngunit parang wala lang din epekto sa akin iyon. Minsan na rin kasing inamin sa akin ni Lito na di niya mahal ang girlfriend niyang iyon. Ang masaklap lang dahil naramdaman kong ang girlfriend ko ay dry na ang pakikitungo sa akin. Nand’yan iyong kapag inofferan ko siyang ihatid, marami na siyang alibi, kesyo dadaan pa sa kung saan-saan, kesyo kasama niya ang mga barkada, etc. etc. Kapag sabihin kong bisitahin ko sa kanila ay sasabihing may lakad, may ipapagawa ang mama, mag-aaral, etc. At kapag sa school naman, kapag nakita niyang nasa isang lugar ako, kusa itong iiwas sa lugar kung saan ako naroon. Hindi ko maintindihan kung ang inasta niya ay dahil ba sa mga naririnig niya o may ibang dahilan. Pero malakas ang kutob ko na dahil iyon sa mga naririnig niya tugkol sa nangyari sa amin nio Lito. Andaming bumabagabag sa isip ko. Tuliro, hindi makapagconcentrate ng maigi, at bwesit na bwesit na sa buhay. At ang dahilan ng lahat? Si Lito.

Sa nagdaang mga araw, hindi ko na pinapansin si Lito. Bagamat alam kong gusto niyang makipagbati, ngunit matigas ang paninidigan ko. Napansin ko rin ang pananamlay niya, at ang pagpayat. At hindi na siya palaimik, naka-upo na lang sa isang sulok. Pati grades niya ay naapektuhan din. May mga tests na wala siyang sagot at palaging nag-aabsent. Dahil dito ay nagworry ang mga professor, mga kaklase at mga kaibigan na rin namin.

Isang araw, bigla na lang akong ipinatawag ng Guidance counselor. Pagpasok ko sa room, nakita ko ang mga magulang ni Lito, kausap ang madreng Guidance counselor ng school. “Please take your seat, Warren” ang sabi kaagad ng counselor.

Kumuha ako ng isang silya at naupo sa tabi ng mga magulang ni Lito. Ang inaasahan ko ay pagagalitan nila ako. Ngunit noong tingnan ko ang mga mukha nila, wala akong nakikitang galit bagamat pansin ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Kinumusta ako at niyakap pa nila.

“Warren, we need your help.” Ang seryosong sabi sa akin ni Sister. “Sana, you are willing to do it...”

“A-ano po iyon, Sister?” ang tanong ko, nag-aalangan kung anong tulong ang gusto nilang gagawin ko.

“Warren, alam kong may problema kayo ni Lito. May alam kaming kaunti. Ano man iyon, sa inyo na lang iyan. I am not blaming you. Pero alam mo, I am very much worried para kay Lito. I feel na hindi na siya ang dati kong anak. Iba na siya, Warren. Palaging wala sa sarili, tulala, hindi kumakain, hindi makatulog. At minsan hindi na nag-aayos sa sarili. Ang kinatatakutan ko ay kung hindi siya maagapan, ay baka masiraan siya ng bait o kaya…” napahinto siya ng sandal gawa ng pag-crack ng boses. “…magpakamatay” at tuluyan na siyang umiyak. “Bilang isang ina, napakasakit pagmasdan na ang anak mo na dating puno ng sigla, puno ng pangarap, puno ng pagmamahal, ng mga pangarap ay biglang magbago at mawalan ng sigla. Napakabata pa ng anak ko, Warren para masira ang buhay niya. Ikaw lang ang makatulong sa kanya Warren, nagmamakaawa ako…” dugtong ng mama niya.

Tila tinusok naman ang puso ko sa awa. Simula kasi noong magkaibigan pa kami ni Warren, napakabait ng mama at papa niya sa akin. Kapag doon ako natutulog sa kanila, nakakasama naming sila ni Lito sala, nagkukwentuhan, tawanan, sabay nanonood ng palabas sa TV. At kapag may importanteng okasyon sa kanila, hindi pwedeng wala ako dahil pinapatawag nila ako at pinapadlo. Alam ko, napamahal na rin ako sa kanila, lalo na’t nag-iisang anak lang si Lito at ako ay itinuturing niyang kapatid. Turing nila sa akin ay talagang bahagi na ng pamilya nila. Mayaman ang pamilya nila. At kahit ako ay anak-mahirap lang, napakabait nila sa akin at marami nang naitulong lalo na kapag kapus ang mga magulang ko sa pang-tuition. Ang totoo nga niyan, sila mismo ang nagpumilit na mama at papa na rin ang itawag ko sa kanila.

“A-ano po ba ang maitutulong ko, Ma?” tanong ko.

“Puntahan mo si Lito Warren. Kausapin mo siya. Patawarin mo siya kung ano man ang nagawa niya sa iyo. Ibalik mo ang dating pagkakaibigan ninyo… Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo kapag napagbigyan mo kami, Warren, sana maawa ka kay Lito.”

Mahirap para sa akin ang hiniling nilang iyon. Para bang heto, ako ang agrabyado, pero ako pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan. Pero dahil sa awa ko sa mga magulang ni Lito, ang nasabi ko na lang ay, “S-sige po, Ma… pupuntahan ko siya, ngayon din.

At sa gabi ng araw na iyon, doon pinuntahan ko si Lito sa bahay nila. At dahil napagkasunduan naming ng mga magulang niyang doon muna ako titira sa kanila ng at least isang linggo, nagdala na rin ako ng kaunting mga personal na gamit.

Noong makarating na ako sa bahay nina Lito, pinaderetso na ako ng mga magulang niya sa kwarto ni niya at hindi pa raw ito kumain at hindi lumalabas ng kwarto. Umakyat ako ng second floor kung saanang kwarto niya. Noong nasa harap na ako ng pintuan, hinwakan ko ang door knob at tinangkang buksan ito. Ngunit naka-lock ito.

Kumatok ako. Walang sumagot.

Kumatok uli ako, mas malakas-lakas. Wala pa ring sumagot.

“Tol!” sigaw ko, habang kumakatok anko ng mas malakas pa. Wala pa ring sagot.

Sumigaw na ako, “Tol!!! Si Warren to, buksan mo ang pinto!!!” Wala pa ring sumagot.

Dahil sa hindi pagsagot na iyon ni Lito, bigla akong kinabaha. Tumakbo na ako pababa, sa sala kung saan nandoon ang mama at papa ni Lito. “Ma, pa! Walang sumagot sa kwarto ni Lito! Buksan natin!”

Nataranta naman ang papa ni Lito. Dali-dali niyang kinuha ang master key at tinumbok ang kwarto ng anak. Agad din kaming sumunod.

Noong nabuksan na ang kwarto, malakas na tili ang kumawala. “LITOOOOOOOOO!!!”

(Itutuloy)