Friday, June 17, 2011

pare… i luv u… Part 1

It all started when I was in highschool…






Every Story has A Sweet Beginning






3rd year ako noon, first time ko makatanggap ng cellphone sa parents ko… alcatel pa uso noon…


Ang you know who I texted first using my phone.. syempre si Pare… ang secret crush ko!


Well Pare is not a boy… Babae sya, classmate ko, naging bansag lang sa kanya yun dahil kamukha niya yung magandang girl na nasa commercial ng shampoo na tinatawag ring Pare.


In short, sikat siya dahil nga sa angkin nyang kagandahan… at maraming boys sa skul namin ang nagkakandarapa sa kanya…




AKO: mustah na, si Justin eto…
PARE: o, so u got new cellphone na rin ba?
AKO: yup, regalo ni Erpats…
PARE: Oo nga pala, belated hapi birthday ha

At dito na nagsimula ang aming textsan every night… Kaso I hav a big problem… isa akong malaking TORPE… oo nga nag uusap kami thru text, pero pag nasa skul na ako, ewan ko ba. Pag nakikita ko siya e, nauunahan ako ng hiya… ngingiti lang ako tapos papasok na sa classroom…


Hanggang sumapit ang fourth year…






The Unfortunate Events






Isang gabi I realize na malapit na pala ang graduation… and I am not gettin younger anymore… 
so I decided to tell na to Pare that im deeply inlove with her…


Kinuha ko agad ang cellphone ko, para itext ang nararamdaman ko para sa kanya. Nang maisipan ko na, baka hindi niya seryosohin ang sasabihin ko kung sa pamamagitan lang ng text.. so binalak ko nalang na kausapin nalang siya bukas ng umaga sa skul, ng personal…
Kaso pakshet talaga… nalate ako ng gising… kaya late din ako sa skul… so yung balak ko na first thing in the morning e kausapin si pare ay nabulilyaso. Instead diretso agad ako sa classroom… hinanap ko agad si Pare sa loob… nandoon sya at kausap ang iba pang girls, angganda talaga nya…


"Hoi mister Morales, anong tinatayo-tayo mo jan… your late, go and take your seat!!!", napagalitan tuloy ako ni Ma’am Salazar… sungit.


At akala ko that was just a typical day… kaso mali ako…


Habang nagkaklase kami ng nakakaantok na History, biglang nabulabog ang aking pagkakahimbing… May narinig akong bulong bulungan… Parang na eexcite ang mga classmates kong girl… tila may bibisitang artista sa room namin and they cant wait to see him…


Agad kong nilingon ang aming pintuan, at nakita ko ang napapanot na si Sir Gonzales, at siya ay nagwika—


Class, we have a new student in our class…
At biglang sumulpot sa pintuan ng room namin ang isang lalakeng Amboy [half american, half pinoy], syempre tisoy…


Natahimik ang buong klase, lalo na ang mga girls… pero isa lang ibig sabihin noon, deep inside e, naghuhumirit at inlove na inlove na dito sa Amboy naming kaklase.
Hanggang biglang may narinig akong boses na hindi ko na nakita kung sino…


"Oi bagay sila ni Pare… oi…"


At sinundan yun ng tawanan nilang lahat… what the… they’re tryin’ na gawing pair ang dalawa… hindi pwede to… walang makakaagaw sa pare ko.
Nilingon ko agad si Pare, at halos mapaiyak ako, nang makita kong nag blublush siya… well si Amboy dapat ang i-blame dito… ang sarap nyang suntukin sa mukha, para tumalsik sya pabalik sa Tate. Asar talaga ang mga Kano na yan. Sabi nga sa History namin, Americans, once planned to invade the country, and now theyre planning to invade my love life… asar.
At sa sobrang malas ko e, naging seatmates pa kami…


"Ah pangalan ko nga pala e Richard Sulyvan… bluh bluh bluh.. ", wala akong pakialam, andami pa nyang sinabi pakilala nya sa kanyang sarili.


At dito na nagsimula ang nightmares ng buhay ko…






About Nightmares and Dreams






Talagang lalo na akong nahiyang magtapat kay Pare, ngayun pang umiksena na tong si Tisoy…


Minsan nakikita kong nakatingin saken si Pare… pero napakasakit… dahil ang totoo e kay Tisoy siya nakalingon… Bwisit na Tisoy talaga to…


At etong si Tisoy talaga, ayaw akong tantanan, akalain mo ba namang magkapitbahay rin kami, sabi nga nya saken ng minsang mag kasabay kami sa jeep… 


"Tingnan mo nga naman, mag seatmates na tayo, mag kapitbahay pa…" 


 sabi nya saken habang nakangiti, pakealam ko! Pero may kabaitan naman pala talaga tong si Tisoy… kasi nilibre nya ako ng pamasahe e. At ewan ko ba pero simula noon e, nagkakasabay na lagi kami… at nililibre nya ako, di naman ako tumatangge, aba sayang rin yung pamasahe no?


At lumipas ang mga weeks, natanggap ko rin si Tisoy sa system ko… I mean, bakit ako magagalit sa kanya, wala namang ginagawang masama saken… may the best man win nalang para sa puso ni Pare…


Hanggang nalaman ko nalang na naging Buddy ko na si Tisoy… ang karibal ko sa pag-ibig.
At isang araw, tinanong ko si Tisoy kung sino ang napupusuan niya sa classroom namin, malay mo, sumagot at hindi pala si Pare… e di masaya!


Sa Canteen…


AKO: So tol, sino ba crush mo dito sa school ha?
TISOY: Ah e, kasi… nahihiya akong sabihin…
AKO: Ha saken ka pa mahihiya… malay mo ka close ko e di ma ilalakad pa kita, db?
TISOY: Basta, nahihiya ako e…
AKO: Wag ka ng mahiya, promise secret lang naten.
TISOY: Sigurado ka ha? Sige i’ll tell you tomorrow OK?
AKO: Sige bukas ha… [ayaw ko namang pilitin siya, baka makahalatang gusto ko talagang malaman.]
TISOY: Hayaan mo, kasi bukas rin, binabalak ko na ring ipagtapat sa kanya ang nadarama ko e. [tapos bigla siyang ngumiti...]


Pano na to, pano kung si Pare nga ang type nya… hindi to maaari.


Pero kung tutuusin e mas bagay nga naman sila, sikat si Pare, sikat rin si Tisoy… at ako sino ba ako… Pero hindi!!! kelangan ipaglaban ko to… Kelangan maunahan ko na si Tisoy bago pa siya magtapat kay Pare…


Kaya kinabukasan…






Comedy of Errors






Agad kong hinanap si Pare, ngunit hindi ko siya makita kahit saan, hinanap ko rin si Tisoy, wala rin siya sa tambayan… Naku! baka this is it! Baka nagtatapat na siya kay Pare… kelangang mapigilan ko to.


Nakita ko ang isang friend ni pare at agad ko siyang tinanong.


"Nasa Auditorium sila…", sagot nito.


Kaya takbo agad ako, papunta doon.


Pagpasok ko sa loob, ay wala akong gaanong makita, napaka dilim… patay ang mga ilaw. 


Pero may narinig akong iyak, oo, iyak ng isang babae… parang si Pare yun, boses ni Pare yun! 


At mula sa kalayuan ay nakita ko nga sila sa ibabaw ng stage. Andun si Pare at andun din si Tisoy… umiiyak si Pare at tila takot, samantalang hawak naman ni Tisoy ng mahigpit ang kanang braso ni Pare…


Sa tagpong ito, may namuo agad na konklusyon sa aking isipan…


Nagtapat si Tisoy sa kanya, pero na busted lang siya, dahil ang totoo ako ang mahal ni Pare. Haha! Pero teka ano ba ang tinatawa tawa ko dito, aba sinasaktan ang labs ko!!!
Kaya agad akong umakyat sa Stage, at nag wika—


"Wag mo siyang pilitin kong ayaw niya sa iyo!!!", sabay suntok kay Tisoy! Talsik siya.
"Cut!!!", sigaw ng isang lalaki mula sa kalayuan…
"Hoy sino ka ba ha? Sinisira mo ang rehersal namin!!!"


Ha? OK, i think i get it, it was all just a plain act… nalimutan kong kasali nga pala sila Pare at Tisoy sa School Theatre Club. At isa akong biktima ng maling akala… nag prapractice lang sila sa kanilang ipapalabas next week… 
Nakakahiya ako…


Agad kong nilingon si Pare, at nakita ko ang nakasimangot nyang mukha, tapos nilapitan niya si Tisoy at pinunasan ang duguan nyang bibig. Nilingon ko rin si Tisoy, nakangiti siya saken… mukhang natatawa siya sa ginawa ko, mukhang gusto nyang mapahiya ako.


Kaya wala na akong nasabi, bagkus ay tumakbo ako palabas, straight to our house… nakakahiya ka talaga Justin.






Exchange of Words






Kinagabihan, talagang di na saken maalis yung nangyari, gusto kong humingi ng sori kay Pare. Kaya kinuha ko agad ang cellphone ko at nag text…


AKO: Sori Pare, akala ko talaga kasi totoo… ang galing mo kasing artista e… nabiktima mo ako.


Pero after 5 minutes wala pa ring reply, kaya nag text ulet ako.


AKO: Pare sige na, sori na oh… tao lang ako nagkakamali rin.


After 10 minutes wala pa rin…


Hanggang may maisip akong kacornihan…
I text her 100 times of "Sori na po." Message… Siguro naman mapapatawad na niya ako nito.


At after 2 minutes tumunog na ang cell ko, YES! Effective!!!


Pare: Alam mo nakakatawa ka…
AKO: Alam mo wag kang matawa, seryoso ako, sori talaga sa nagawa ko, ang galing mo kasing umarte e.
Pare: Hehe… OK lang yun, di naman ako nasaktan e.
AKO: So ibig bang sabihin nito ay, pinapatawad mo na ako…
Pare: Oo ba… alam mo hanga ako sa lakas mong sumuntok…
Ako: Sigurado ka ha, pinapatawd mo na ako [then ng maramdaman kong all cleard na, I decided na isabay na rin ang pagtatapat ko sa kanya...]
AKO: Alam mo may gusto sana akong sabihin sayo e…
Pare: Ano naman yun ha?
AKO: Alam mo dati ko pa tong gustong sabihin sayo pero lagi akong nauunahan ng hiya… alam mo… Pare I think I lab you…


Then she did not reply…


But after 6 minutes!!!


Pare: Sori pala kung nalate reply ko, nagloloko kasi tong simcard ko… kabibili lang kasi e.


AKO: So thats the reason why your number is not stored here in may cellphone… So ano na, pano na yung sinabi ko sayo ha?


After 2 minutes…


Pare: Alam mo Justin, i think ganon din ang nadarama ko sayo… pero syempre nahihiya rin akong magtapat sayo.


what!!! TALAGA!!! Hindi ako makapaniwala…


Mag rereply pa sana ako, ng mag check operator na ang cell ko… Pakshet talaga, 11:30 na noon, wala na akong mabilhan ng prepaid card.


Kaya ang ginawa ko e, tinitigan ko nalang ang cell phone ko, nag aabang ng text nya…


After 10 minutes…


Pare: Sige, hindi ka na nag reply, kita na lang tayo bukas ha…


At sapat na ang message na yon, para magkaroon ako ng mahimbing na tulog.
Kinaumagahan…






Reality Bites






Agad kong hinanap si Pare, at nakita ko siya kaagad…


Nilapitan ko siya, at hinawakan ang balikat…


"Oi Pare kamusta na ha?", pacute kong tanong.
"Ha?", tila nalilito nyang tanong…
"Ano bang kelangan mo saken ha? Parang ang bilis mo namang makalimut sa nangyari Yesterday?", pasigaw nitong nasabi.
"No, syempre hindi ko nalimutan, diba you told me that u have feeling rin saken, that u like me also…", paliwanag ko.
"What?! i never told you that, may iba na akong mahal, and to tell u frankly si Richard yun, kaya nga nagalit ako sayo kahapon, dahil sinuntok mo siya… at sino ka para gawin yun sa kanya, ha?", galit na talaga siya, di na siya umaarte, at sabay iniwan ako sa ere.


Nagulat ako sa mga narinig ko… di pa rin ako makapaniwala… I’m not expecting this to happen, napakagulo niya. Parang binabangungot lang ako, Justin gumising ka. Pero tila ito na talaga ang katotohanan… kaya iyon, naglakad lakad ako na wala sa sarili, litong lito pa rin.
Kung hindi si Pare ang kausap ko kagabi, sino? Sino yung napag sabihan ko na may feelings ako sa kanya at ganoon din daw siya sa akin, sino yun?
At naupo na lang ako sa harap ng garden, nang maramdaman kong may palapit sa akin, si Tisoy…






[iututuloy]

No comments:

Post a Comment