Friday, June 17, 2011

pare… i luv u… part 2







You are Soooooooooo Gay!






Bagamat alam kong nasa harapan ko na si Tisoy, eh wala akong pakealam, si Pare lang ang nasa isip ko nang mga oras na iyon… Parang binagsakan ako ng langit at tila buhat-buhat ko ang mundo. isa akong BUSTED! Napakasakit nitong nadarama ko, kasabay ay ang pagkalito.
Umupo si Tisoy sa tabi ko at nag-wika—


"Oi Pare, kamusta na ha?", sabay hawak niya sa aking balikat…
napalingon ako sa kanya… Nakita ko ang masaya niyang mukha… At bahagya kong naalala na eto nga palang si Richard ang mapalad na pinili ni Pare, itong Tisoy na ito ang nanalo sa puso ng mahal ko, buti pa siya. Pagkatapos ay bumalik ako sa pag-kakayuko, nag-isip at huminga ng malalim.


"Tol may problema ba?", tanong ni Tisoy.


Umiling lang ako… ayaw ko nang malaman pa ni Tisoy na isa akong bigo, dahil baka pagtawanan lang niya ako…


Nang biglang may dumapo sa kanan kong kamay, ang kaliwang kamay ni Tisoy!


Mula sa pagkalugmok sa lungkot ay nagulat ako, at napalingon sa kanyang kamay… pinipisilpisil niya ang kamay ko…


"Di ba dapat nagsasabihan ng mga problema sa isa’t-isa ang nag-mamahalan?", tanong nito na may todong paglalambing…


HA?!!! ANO?!!!! Sinung… nagmamahalan?!!!! KAMI ba ang tinutukoy nitong Tisoy na to?!!! Ha?!!!!


Agad akong napalingon sa kanyang mukha, at nakita ko kung gaano ka… ka… hindi ko maipaliwanag kung anong itsura ng mukha niya, but all I can say is that it is SOOOOOOOOO GAY!!! Kaya agad kong hinila ang kanang kamay ko palayo sa kanya…


"Ha? Ano???", pagtataka ko? "Tayo nagmamahalan? Ha?"
"Diba u told me last night, u said u have feelings to me, u said u love me?", paliwanag nya.


At doon ko na napagtanto ang lahat. Si Tisoy ang katext ko kagabi, it was his number, kaya pala hindi naka stored sa Phonebook ko. At itong Tisoy na to e isang binabae, at katulad nga ng sinabi nya noong nakaraan, ay magtatapat na raw siya sa kanyang mahal… na walang iba kundi ako!


Sa nalaman kong iyon ay hindi ko malaman kung ano ang aking masasabi. Mix emotion ang naramdaman ko, Masaya: dahil ang taong akala ko ay umagaw sa mahal ko, e isa palang bading. Shocked: dahil isa palang bading si Tisoy, at inlove siya sa akin. Malungkot: dahil alam kong msasasaktan ko si Tisoy, ang aking Buddy. Nandiri: dahil naalala ko yung last time, when we were in Tagaytay, sabay kaming naligo, hubo’t hubad… yuck, pinagnanasahan nya pala ako!


At tumagal ng tatlong minuto ang aking pagkakatulala, para lang ma digest ng mind ko ang all mixed up na emotions na yun…
Nalaman ko nalang na bumubuka na ang bibig ko at naglalabas ng mga salita para kay Tisoy…


"Tol, mali… I mean nagkamali ako, hindi para sayo ang mga messages na yun… akala ko kasi si Pare ang katext ko last night, para sa kanya ang mga I love you ko… Mali tol, sorry, mali talaga ako", nasabi ko nalang.
At mula sa graceful na mukha ni Tisoy ay unti-unti kong nakita ang pagbabago, tungo sa kalungkutan… masakit palang makita mong nakasakit ka ng damdamin ng ibang tao, lalo na kung kaibigan mo… naaawa na ako ngayon kay Tisoy.
Sa pagkakataong ito, siya naman ang sandaling yumuko at nag wika…

"Dont worry, i know naman that this will happen, alam kong Last night was so good to be true…"
, at nakita ko ang isa o dalawang patak ng mga luha sa kanya.


Then he walk away from me… pero akala ko e iiwan na niya ako, but I was wrong again. 
Pumitas lang pala si Tisoy ng bulaklak sa garden, Sunflower yun. Lumapit sya ulet, then lumuhod at inalok ang Sunflower sa harap ko. Ewan ko pero parang nahihiya akong tingnan siya.


"Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal… pero from the start I know that my dreams of having you will just end up this way. A nightmare. Napaka sakit Justin… alam kung isa tong bangungot, but please help me to ease the pain that I’m dealing right now."
Napalingon ako ng konti sa mukha nya at nakita ko ang sandamukal na luha…
"With just one kiss from you… and I’m sure all this pain shall be gone… kasama ng pagmamahal ko sayo Justin, isang halik lang… at… at… kung gusto mo ilalakad pa kita kay Isabel[tunay na name ni Pare], lahat gagawin ko, kapalit ng kiss of goodbye from you…", wika nito.


What the… he want a kiss!!! Yuck! Pero na-isip ko rin, marami na kaming pinagsamahan ni Tisoy, at talagang naaawa ako sa kanya, awang awa, dahil ngayun palang alam ko nang wala na siyang pag-asa sa kanyang pag-ibig… Isa pa, parang natuwa rin ako dahil nga sinabi nya saking tutulungan niya akong mapalapit kay Pare… Kelangan kong maging praktikal, ano ba naman ang isang halik lang sa Pisnge kay Tisoy… kung ang kapalit noon ay ang, kawalan ng kalungkutan niya, at pag kakaroon muli ng pag-asa para sa puso ni Pare?
Kaya ayun… dahan… dahan… pakonte… konte… papalapit ang lips ko sa pisnge ni Tisoy… Habang ito namang si Tisoy ay talagang nakatitig sa mukha ko… Inlababo talaga ang Papa…
Nang biglang…






Chasing Truth






"You’re so disgusting!!!", wika ng isang babae sa aming likuran!


Di natuloy ang kiss ko, dahil agad kong nilingon ang pamilyar na boses na iyon…
Pakshet!!! Si Pare!!! Nakita kami sa aktong hahalikan ko si Tisoy, langya naman o…
Nakita ko nalang na tumakbo siya papalayo… gusto kong magpaliwanag kay Pare, kaya nagmadali ako, at hinabol siya…


"Wait Pare, intay!!! Mali ang inaakala mo…", sigaw ko.


Then I heard the voice of Tisoy…


"Justin, sandali, wag mo akong iwan!!!", what the! Ako naman ang hinahabol ni Tisoy.
In short, ganito ang eksena naming tatlo… tumatakbo si Pare, hinahabol ko siya, at si Tisoy naman, ako ang hinahabol…


Tinakbo ni Pare ang buong School Campus, hanggang marating namin ang labasan ng gate… Napakabilis palang tumakbo nitong si Pare… alam kong she’s upset… dahil nakita nyang hinahalikan ko ang mahal nyang si Tisoy… Kelangan ko siyang maabutan, kelangan kong maipaliwanag ang lahat-lahat sa kanya, I know naman that Tisoy will be cooperative and suportive pag nagpaliwanag ako…


Kay yun, habulan pa rin kami, til we reach the highway…


Akala ko titigil na sa pagtakbo si Pare, dahil masyadong marami ang mga sasakyang dumadaan sa Highway, at dilekado kong tatawid siya… Pero laking gulat ko nalang nang tahakin nga niya ang Highway nang ganun ganun na lamang! Tila hindi siya natatakot na masagaan…


At ako naman… eto sinubukan ring tawirin ang Highway, wala akong pakialam sa mga rumaragasang sasakyan… ang tanging nasa isip ko lang ay si Pare, si Pare at si Pare… kaya ayun, tatlong segundo nalang nang makita kong may kotseng babangga sa akin…


Napapikit nalang ako…






Saviour






I’m dead, yun ang akala ko… nang maramdaman ko nalang na may nagtulak sa aking katawan at narinig ko ang boses nyang tinatawag ang ngalan ko… "Justin!!!", wika ni Richard… ang kaibigan ko.


Tumalsik ako, at si Tisoy ang aking naging kapalit… siya ang nabangga ng kotse…


"Richard!!!", sigaw ni Isabel, nang makita niyang nabangga ang mahal niyang si Tisoy.
Sa isang kisapmata nakita ko na lang ang duguang katawan ni Tisoy… wala na itong malay, at hindi ko alam kung patay na siya… naramdaman ko nalang ang luhang pumatak sa king mga mata… Tisoy, bakit?


Tumigil ang kotse na nakabangga kay Tisoy, at agad siyang dinala ng driver sa loob, marahil ay patungong ospital… samantalang ako, ay tumayo na, pinunasan ang konteng galos.






It Makes me Sick






Napalingon ako kay Pare, kay Isabel, kitang-kita ko sa kanyang mukha ang galit… agad siyang lumapit sa akin at PaaaaaaaaaaaaaaaAAAKKKK!


Isang masakit na sampal ang kanyang pasalubong… subalit higit pa doon ang sakit na nadarama ng aking puso…


Dalawa ang nawala sa akin ngayong araw na ito, una ay ang pag-asang mahalin pa ako ni Pare, at pangalawa ay si Tisoy, ang matalik kong kaibigan.


Sumikip ang aking dibdib, parang di ako makahinga. Naramdaman ko ang sobrang init ng sikat ng araw sa unang pagkakataon. Nagdilim ang aking paningin at unti-unti akong nahilo… nawalan ako ng malay.


Nagising na lamang ako sa ospital…
Isang araw lang ako sa ospital…


Umuwi ako sa bahay…
Nanood ng TV kinagabihan…
Natulog ng maaga…
Hindi ako handa bukas para sa eskwela…


Kinabukasan…
Alam ko, sinisisi ako lahat ng tao sa aming paaralan sa pangyayari noong nakaraan… lahat ng tingnan ko sa mukha, ay masasabi kong ako ang sinisisi… kahit sino, kahit ang repleksyon ko sa salamin…


Noon ako nakadama nang matinding pag-iisa, walang gustong makipag-usap sa akin, lahat ng mga girls ay asar saken dahil sa ginawa ko kay Tisoy, ang crush ng bayan… at ang mga boys naman takot na lumapit saken, dahil bading daw ako… kumalat kasi ang tagpong hahalikan ko si Tisoy… at ang masakit pa dito, si Pare ang nagkalat noon… sira na ang buhay mo Justin, wala ka ng kakampi…


si Tisoy naman, balita ko ay nasa ospital parin, at hindi alam kung kelan gigising. Malubha raw ang pag bagsak ng ulo ni Richard, dahilan para ma-comatosed ito… tanging Diyos lang ang nakakaalam kung kelan siya magigising.


Lumipas ang Fourth year, walang kwenta, walang kwenta ang JS, walang kwenta ang graduation day, puro kalungkuatan ang naramdaman ko simula ng araw na iyon… At ang cellphone ko… ayun diretso sa basurahan.


After 5 years…






The Reunion






Eto na ako ngayon… nakakulong pa rin sa nakaraan… pero wala na akong balita sa dati. Nang mag-collage kasi ako, pumunta na akong Maynila, I took Business Administration, tapos pinamana nalang saken ng parents ko tong Flower shop nila sa Makati… ako ang nag manage…


Pero to tell you the truth naging boring ang limang taon na iyon… puno pa rin ng pag sisisi… binuhos ko sa pag-aaral at pag eehersisyo ang lahat… pero lagi pa rin akong dinadalaw ng mga bangungot ko…


Hanggang isang araw… habang dinadalaw ko ang aking flower shop… may napansin akong babae, hindi maaari, pero parang siya talaga… Sinundan ko siya ng palihim, at pakonte-konte ko siyang nilalapitan, na ka black syang damit, sexy… mahaba ang kanyang mga masisiglang buhok… kaya lang nakatalikod siya kaya hindi ko masabi… lalapitan ko pa sana siya nang may makabungo akong isang lalaki…


"Palagay mo Honey maganda ba tong Pink Roses", wika ng babae, kausap nya ang lalaking nakabunggo ko…


Sa pagkakataong iyon ay humarap siya, at nakita ko nga ang kanyang mukha… hindi ako maaaring magkamali, bagamat lalo siyang gumanda… siya pa rin iyon! Ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso, si Pare!!! Hindi ko alam pero nakadama ako ng kaligayahan…


And then…


"Bestfriend Justin? Is that you??? Justin???", malagong na wika ng maskuladong lalaking nakabunggo ko na kausap ni Pare…


Napalingon rin ako sa kanya… bakit alam niya ang pangalan ko… hindi ko siya namukhaan sa una… pero nang siya ay ngumiti, naalala ko ang lahat… ang ganoong uri ng kanyang ngiti…


"Honey, look! Come here, is he my bestfriend Justin?", tanong niya kay Isabel.
What the… siya nga, siya nga si Tisoy, si Ricahrd! Bakit tinanong pa niya kay Pare kung ako nga ang bespren Justin niya… nag-iba ba ang aking mukha? o meron syang amnesia???






[itutuloy]

No comments:

Post a Comment