Friday, June 17, 2011

Pare… i luv u… part 3…







Instant Conspiracy






"Honey, look! Come here, is he my bestfriend Justin?", tanong niya kay Isabel.


What the… siya nga, siya nga si Tisoy, si Richard! Bakit tinanong pa niya kay Pare kung ako nga ang bespren Justin niya… nag-iba ba ang aking mukha? o meron syang amnesia???
At bakit "Honey" ang tawag niya kay Isabel… hindi… pero mukhang magsyota ang dalawa. 


Ha???


Napatingin saken si Isabel, naramdaman kong nagulat din siya nang makita ako… parang may galit pa rin sa kanyang mga mata… subalit pinipilit niyang ngumiti, halata kong nagpapanggap lang siyang masaya na makita ako.


"Yup, Honey he is your bestfriend Justin!", paliwanag ni Isabel. "So Justin, How are you? It’s been a long time."
"So, akala ko ba you’re in abroad?", tanong saken nang nalilito pero nakangiti pa ring si Richard.
"Ahh… e… ahh…", ako? nag-abroad??? sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko, kaya napatingin nalang ako kay Isabel, yun bang tingin na parang nagsasabing— "I have no idea kung anong nangyayari ngayon, baka naman pwede mo akong tulungan…"


At tila naunawaan nga ako ni Isabel…


"O Honey i forgot to tell you na tumawag nga pala si Justin saken last night, kararating lang niya galing Australia. Di ba Justin?", tanong saken ni Isabel, na tila may sinasabi rin ang kanyang mga mata na— "Ayan tinulungan na kitang makalusot sa sitwasyon, now you just have to agree with me."


Kaya napa tango na lamang ako at nagwika… "Oo, Tol. May jet lag panga ako ngayon e. Kamusta na?"


Bago pa kami magkwentuhan ay nagyaya na tong si Richard na mag coffee.






Starbucks






"I see, so nag eexport ka pala ng mga flowers sa Australia, kaya pala simula ng magkamalay ako ay nawala ka na…", masayang nasabi ni Richard.


Wala na akong nagawa kundi sakyan na lamang ang pag sisinungaling ni Isabel. Kaya sinabi kong related sa business ko ang pagpunta ko sa ibang bansa.


"So, bakit naman napadaan kayo sa shop ko??? You need flowers?", tanong ko na naguguluhan pa rin.
"Well, diba I told you last night sa phone na next week na ang kasal namin ni Richard.", wika ni Isabel, sabay hawak sa kamay ni Richard. "Kaya naghahanap kami ng flowers for the wedding."


Ha??? Ikakasal silang dalawa, as in si Richard at Isabel… Hindi nga? I mean di ba bading tong si Richard… panung, haaay magulo pa rin…


"Yup, pare, ganoon na nga. Pero hindi lang mga bulaklak ang nahanap namen ni Honey. Kundi ang best man ng aming kasal… Ikaw.", wika ni Richard, na nandoon pa rin ang pagka excite na makita ako…


Gulat pa rin ako sa aking mga naririnig… Ang dating nabading sa akin, ngayon ay pakakasalan ang dating mahal ko? At ako pa ang balak gawing best man?!!! Marahil nagkaroon si Richard ng amnesia, dahil sa aksidente.. at nakalimutan niya ang lahat, pati ang pagiging bading niya… pero panung naging sila ni Isabel???


Mayamaya pa ay tumayo si Richard…


"Well, excuse me, i have to use the rest room…", paalam nito at iniwan kaming dalawa ni Isabel sa table.
"Mabuti naman at nakikisakay ka saken. Pero alam mo dapat nga magpasalamat ka saken, dahil hindi ko pa rin sinasabi kay Richard ang sikreto mo…", wika ni Isabel, at tila may kunot sa kanyang noo.
"Ha? Anong sikreto??? Nagkaroon ba ng amnesia si Richard?", tanong ko.
"Oo. After three years from being comatosed… nagising rin si Richard, but he suffered from selected memory lost… nalimutan nya ang lahat ng kanyang kakilala…", paliwanag nito. "At tungkol naman sa sikreto mo. Come on Justin… alam mo na kung ano ang tinutukoy ko, ang pagiging gay mo."


Narinig ko na naman ang bintang na yan sa akin, pero hindi na ako nag-react. Sawa na akong patunayan sa kahit na sinuman na hindi ako ang bakla… That time mas curius ako kung paano naging sila ni Isabel…


"Hindi ko sinuko ang pag-ibig ko kay Richard… when I reach college I decided to take medicine, para mabantayan ko siya. At hindi nga nasayang ang ginawa ko dahil nang magising si Richard… ako ang una nyang nakita… ako rin ang tumulong sa kanyang makarecover… at hindi nag-tagal naging kami, minahal din niya ako.", pagpapaliwanag nito, na tila nagmamalaki. At habang naririnig ko ito mula kay Isabel, ay talagang naiinggit ako para kay Richard… sa pagmamahal na inalay sa kanya ng babaeng minahal ko noon pa.
"Balak ko na sanang itago kay Richard ang mapait nyang nakaraan, hindi ko na sana sasabihing may Justin siyang nakilala noon… pero nakita nya ang mga pictures nyo… mga masasayang alaala iyon. At nang itanong niya kung sino ang kasama niya sa mga pictures, wala akong nagawa kundi ipakilala ka… pero sinabi ko nalang na nasa ibang bansa ka, dahil umaasa akong di ka na namin makikita pa!", pasigaw na bulong na kanyang sinabi.


Napakasakit… oo, napakasakit noon… ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko, ay agad ring nag paluha muli nito. "…umasa akong di ka na namin makikita pa!" napakasakit talagang marinig ang mga salitang ito, mula kay Isabel.
Naramdaman ko nalang na dumadaloy na sa kanan kong pisnge ang aking luha…


"Did I miss something?", tanong ni Richard, na kababalik galing CR. "Pare, are those tears?", tanong ni Richard saken.
"Ah wala to, napuwing lang."


Yun nalang ang aking nasabi. Then after a talk, nagyaya rin si Isabel na umuwi na… sinabi naman ni Richard na magkita raw kami bukas, at marami kaming dapat pang pag-usapan…


Umuwi ako sa flower shop…


Nanood ng TV kinagabihan…


Natulog ng maaga…






Sunflowers






At nang magising, wala pa rin sa tamang pag-iisip… Isabel… Isabel. Yun lang ang pangalang pumapasok sa aking isipan.


Huli na ang lahat para sayo Justin. Wala ka nang magagawa… Ikakasal na siya, at ang akusa sayo na isa kang binabae ay hindi na mapapawalang katotohanan, sapagkat ang tanging taong nakakaalam ng totoo ay si Richard lang na mayroon ng amnesia.


Kinuha ko ang muriatic acid sa banyo, kumuha ako ng baso, binuhos doon ang asido… oo balak ko nang magpakamatay, sa tuwing naaalala kong, ginusto ni Isabel na wag nalang akong makita pang muli… habang buhay.


Saktong iinumin ko na sana ang lason, na biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto…


"Bossing may lalaki pong nag hahanap sa inyo…", wika ng assistant ko sa flower shop, na mukhang katulong.


Naalala kong dadalaw nga pala si Richard ngayon… kaya sinuot ko ang shirt ko at nagtungo sa flower shop… mamiya ko nalang iinumin tong lason.


"Pare, ano kamusta na?", tanong agad si Richard, habang nakangiti pa rin.
"Ayus naman…", at pinilit ko talagang ngumiti. "So ano bang balak mo ngayon?", tanong ko.


Pero wala siyang sagot. Nakangiti lang siya at tila tuwang-tuwa. At bigla-bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit… mahigpit na mahigpit.


"Naaalala ko na Justin! naaalala ko na, kagabi lang, naalala kita.", masaya at parang paiyak ang boses niyang sinabi saken.
"Ha?", tanong ko. Naalala na niya?
"Oo pare, naalala ko yung mga panahong magkasama tayo… ewan ko ba pero ikaw lang ang naaalala ko sa nakaraan.. kahit nga yung mga moments namin ni Isabel together, kahit isa wala pang bumabalik sa isip ko, pero ikaw pare! Naalala kita!", paliwanag nito.
"Kung ganoon naalala mo na rin ang huli mong sinabi saken, bago ang aksidente???", maingat kong tanong.
Inalis nya ang pagkakayakap sa akin, at nagwika…
"Hindi pare… bakit mahalaga ba yung bagay na sinabi ko sayo bago ang aksidente?", tanong niya.
"Ah, hindi naman…" pag iwas ko.
"Pare gusto ko sanang ulitin natin yung mga nakaraan para naman tuluyan ng bumalik ang alaala ko. Yung mga times na gumigimik tayo, tayong dalawa lang.", hiling niya sa akin.
Pero sa totoo lang, ayaw ko na, ayaw ko nang gumawa ng kahit na ano… di ba, magpapakamatay na nga ako???
"Ah e, alam mo kasi tol, marami pa akong aasikasuhin ngayong mga araw na ito e", pagtanggi ko sa hiling niya, sabay buhat sa isang basket ng mga bulaklak, para makita nyang kunyari nga ay busy ako.


Tiningnan ko ang kanyang mukha, gusto kong malaman kung na-disappoint ko ba siya dahil sa aking pagtanggi, subalit iba ang aking nakita… Napansin kong lubusan syang nakatitig sa mga bulaklak na nasa basket… ang mga Sunflowers.


"Pare, nahihilo na naman ako… pare…", biglang nasabi ni Richard, habang paulit-ulit niyang hinihilot ang ulo niya…


Binaba ko agad ang baskets of sunflowers at inalalayan siya…


"Ayos ka lang ba tol?", tanong ko agad…
"Oo Pare. I’m OK now, may naalala ulit ako… I dont know but its kinda awkward to me… binibigyan daw kita ng Sunflower… habang umiiyak ako.", wika nito.


Pakshet!!! Malapit na niyang maalala ang lahat. We are getting there.. At dahil doon may naisip akong plano… ang ibalik muli ang alaala ni Richard. Sa pamamagitan noon, malilinis na muli ang aking pangalan, at hindi na matutuloy ang kasal nila ni Isabel…






Revenge is best served cold






Paghihiganti! Yan ang aking plano… Tama na ang drama ko sa buhay, dapat akong lumaban… at kelangan kong magplano…


Isang araw nalang at kasalan na… buti nalang at may na isip akong paraan para bumalik muli ang alaala ni Richard…


Ako ang nagpresenta kay Richard na magplano ng gagawing bachelors party…
Ang hindi niya alam ay hindi mga babae ang dadalhin ko, kundi mga macho dancers, sa ganoong paraan sigurado akong muling mababading tong si Tisoy!


Kinagabihan…


Excited ang lahat ng mga kaibigang lalaki ni Richard, andun ang kanyang kuya… at ang tatlo pa niyang kaibigang galing sa states… Pero ako ang pinaka excited sa lahat… I cant wait, kung ano ang mangyayari when he sees the macho dancers… Haha!


Ipinasok na ang malaking gift box, at lumapit si Richard para buksan iyon, alam kong he is expecting hot girls. Nang biglang lumabas ang tatlong maskuladong lalaki, agad na sinayawan si Richard. Pansin ko agad na nabadtrip ang mga kaibigan ni Richard, at lihim akong natawa. 


Nagulat nalang ako ng makita kong walang reaction si Richard, hindi nangyari ang ini-expect ko… hindi siya nabading…


Bagkus ay lumapit siya sa akin, with a straight face…


"Pare I think they made a mistake… Hayaan mo kukuha nalang ulit tayo ng girls.", bulong niya sa akin at ngumiti ulet.


Akala ko nagalit siya at susuntukin ako… kaya ayon, sira ang plano ko…






Time to move On




Then after the party, tinawag ako ni Richard… pumunta kami sa labas ng condo niya, sa harap ng garden.


"Alam mo Pare, mahal na mahal ko talaga si Isabel… pero kahit ganoon parang natatakot pa rin ako… pero ganoon yata talaga pag ikakasal na. Puno ng tanong.", paliwanag niya at pagkatapos ay lumagok ng beer.
"Ah, alam mo, siguro, natatakot ka kasi nga hanggang ngayon hindi mo pa rin matandaan ang nakaraan mo… kaya marami ka pang tanong.", paliwanag ko sabay kuha rin ng beer.
"Siguro nga, wala kasi akong maalala sa nakaraan namin ni Isabel… pero sabi nya we were close friends daw dati… Totoo ba yun Pare?", tanong niya.
"Ah, Oo totoo yun, lagi nga kayong magkasama e.", sabi ko, sabay lagok sa beer.
"Pero pare, dati ba talaga mahal ko na si Isabel? Siguro naman sinabi ko sayo yun, kasi nga bestfriends tayo."
"Ah e… ewan ko… iba kasi ang sinabi mo saken e, iba ang mahal mo that time… hindi si Isabel… pero… ayaw ko nang sabihin kung sino.", nasabi ko nalang.
"Ganon ba? Nagsinungaling pala saken si Isabel, sabi nya kasi, mahal ko na daw siya noon pa, nahihiya lang daw akong magtapat.", wika ni Richard, sabay inum ulit ng beer.


Natawa nalang ako, naalala ko tuloy yung time na nagtapat saken si Richard, he is so gay that time, at ngayon naman lalaking lalaki na siya… ang buhay nga naman.


"So gusto mo bang malaman kung sino ang sinabi mong mahal mo?", tanong ko.
"Wag na Pare, hindi na sa akin mahalaga ang nakaraan. Nagpapasalamat na ako sa meron ako ngayon… masaya na ako kay Isabel pare… tsaka ikaw, nandyan ka naman e.", sagot niya. At napatanga na lamang ako…


Buti pa si Richard nakalimutan na ang nakaraan at ayaw na niyang balikan pa ito… samantalang ako masyadong nakulong sa nakalipas…


Dahil sa sinabing iyon ni Richard, napag-isip isip ko na tama siya. Bakit ba ako nagsisisi sa nangyari na, siguro the best thing that I can do ay ang kalimutan nalang ang nagdaan and go on with my life… and move on. Hindi naman talaga ako ang mahal ni Isabel, ako lang ang nagpupumilit… siguro oras na to let go… kelangan ko nang tanggapin ang lahat. At pabayaan na lang silang dalawa ni Richard. Sila marahil talaga ang para sa isa’t-isa. Tsaka hindi na naman bading itong si Tisoy e, siguro naman mapapasaya niya si Isabel…


At tsaka inaantok na ako… nakakalasing talaga tong beer… naramdaman ko nalang na bumagsak ang aking katawan… tulog.






The Morning Blast!






Nagising nalang ako sa loob ng kwarto ni Richard sa ibabaw ng kanyang kama, mag-isa… bumangon ako para hanapin siya at magpaalam…
Grabe may hang over pa rin ata ako. Pero iyon ang pinaka masayang gising ko, dahil sa wakas… malaya na ako sa nakaraan.


Lumabas ako ng kwarto at tinawag siya…


"Richard, Pare san ka na??? Uuwi na ako.", wika ko.


Isa pa mamayang hapon na ang kasal nila. Maghahanap pa ako ng barong, ngayon lang ako magiging best man sa kasal e, and I’m looking forward to it.


"O bakit? i prepared breakfast, dito ka na mag almusal…", biglang sumulpot siya, galing sa kusina…


Nagtaka ako, dahil nakangiti siya… at tila nakatingin siya sa bandang ibaba ko…


At nang lingunin ko ang aking ibaba… ako ay nagulat, nanlaki ang aking mga mata!!!
Pakshet, hubo’t hubad ako!!!






[itutuloy... last chapter na yung susunod, promise!]

No comments:

Post a Comment