Saturday, June 18, 2011

BALISANG KAMUSMUSAN



BALISANG KAMUSMUSAN

Grade 2 lang ako nun nang mapansin ko na cute katabi
kong batang babae sa klase. Napapansin, ang ganda ng
sulat niya. Nakapahilig at consistent yung size ng
letters. Tapos ang ganda ng buhok niya.. pag nangiti
nakakabighani. Ulit, grade 2 lng ako nun. Ayoko ng
nauunang siyang makatapos sa kinokopya sa blackboard.
Natatawa ako kasi habol ako ng habol pero yoko naman
na sa sobrang bilis ay papangit din yung sulat ko. Iba
pa ang papel nun. Pagkakasyahin mo yung sulat mo sa
Tatlong guhit na papel, pula ang ang gitnang guhit.
Ang hirap.. parang ang liit kasi.

Siya si Roselyn. Unang crush ko. Naglalakad kami nun
pauwi at walang traysikel sa amin nun. Mga 300M ang
layo ng school sa bahay  Mga limang bahay din pagitan
ng bahay namin, pero noon ko unang naranasang makilig.
Sabay kaming dadaan sa tuyong putik na tulay na gawa
nung gulong ng sasakyan at kung sino mang unang
matumba ay talo at kinakantiyawan. Lingid sa kaalaman
niya nun, tense na tense ako sa tuwing magkabanggaan
yung katawan namin. pakiramdam ko, nakukuryente ako..
pero ang sarap. Palaging ganun.. lagi niya akong
inaantay na daanan siya sa umaga.. ako naman
pursigidong mag-aral. Ayoko patalo sa klase, di niya
alam yun. Diyahe naman pag slow ka sa tingin ng crush
mo, di ba?. Ang hilig din namin nun gumawa ng bankang
papel.. lalagyan ng sabong panlaba yung dulo, presto
tumatakbo na.. dun yung laruan namin sa tubig na
naiipon ng ulan, sa lubak ng daan.

Pero grade 4 kami, inilipat siya ng school. Nagkaroon
ulit ako ng kaibigan, dalawang lalaki.. pero mas close
silang dalawa. May mga lakad sila na sila lang.
Naiinis ako.. siguro dahil nawawala yung pansin sa
akin o na a out of place lang talaga ako. Gwapo sila
pareho kaya siguro gusto kong makipagkaibigan sa
kanila nun. Maputi yung isa, maganda ang balat. May
kaitiman yung isa pero di naman nahuhuli.

Grade 5 ako ng may malipat sa amin. Si Michael. Mas
gwapo. Ang cute ngumiti at laging nangiti. Dalawa ang
dimple. Attracted agad ako sa kanya. Inisip ko nun,
gusto ko siya maging "friend". Anak nung teacher
namin. Kayo ayon, tudo entertain ako. Ako kasi
nangunguna sa klase nun.. kaya parang responsibilidad
mo yun buong klase. Even then, they thought of me as a
leader. Siguro dahil nagpapakopya ka, or pinagtatakpan
mo sila sa teacher, either way, i've earned the class'
respect.

Patapos na an pasukan nun nang maging close kami ni
Michael. Ours was no ordinary friendship then. Hindi
pwedeng di ka maunang bumati sa umaga pag nauna ka sa
school. Ultimo iihi ka lng kailangan mo pa magpaalam,
pag hindi..yari na.. ala nang kibuan nun.. Pag
nagkatinginan, dapat ngumiti. Pag may pupuntahan o
lakad, kailangan mag paalam. I don't know how those
unwritten rules existed.  Three times kaming
nagkatampuhan in a year at umaabot minsan hanggang
isang buwan bago magkakibuan ulit. Mind you, kahit
casual na kibuan wala.hehehe ganun kahigpit
pagnagkatampuhan.

Mabait siya. Sanay sa hirap. Di sila mahirap. May lupa
sila. Pero sinasanay sila ng tatay nila na magsaka.
Kaya lagi siyang sa bukid noon every weekend.
Magkatabi kami ng upuan nun kahit magkabilang dulo ng
seat assignment yung apelyido namin. anak siya ng
teacher, 1st honor daw ako.. kaya hari-harian sa
room.. walang pumapalag. And besides, 100% kopya siya
sa akin during quiz.. maliban sa Math... ako ang
nangongopya sa kanya.

Grade 6 ang pinaka close namin bilang magkaibigan. At
that age, may nagliligawan na sa klase. Pero kami,
kakaiba. We have our own world. Ang school namin nun
ay situated on top of a hill. sa ibaba nun ay ilog. At
napakalawak ng makikita mo pag naupo ka dun sa taas ng
bangin. An buong bangin na yun na punong-puno ng
kadena de amor na tanim. Once in every year, nagiging
kulay pink ang kabuuan ng bangin na yun. That creeping
plant ay walang sinasanto, basta makakapitan, di
tinatalo kahit anong tanim. On top of that hill ay
pwede kang gumawa ng parang kweba o shed mo while you
view the nature.  Doon kami lagi kasi 30min lang ata
recess nun. Di naman uso canteen sa school namin. Baon
ka lng ng dalawang pandesal at isang basong milo, ok
na.

In there, we talk a lot of things. Binubuo namin ang
aming sarili sa mga pangarap.
Sana, classmate pa rin kami.
Sana, same school kami hanggang college.
Sana we will still be friends hanggang magkapamilya't
magka apo.. and no matter what.

Pagdating ng uwian, no one wants to say good bye. At
hangga't di magdilim ang langit, dun pa rin kami  sa
school.. nakaupo, nagkukwentuhan. Di ko maintindihan
at maalala bakit di kami nauubusan ng topic. Pero di
nabubuo ang araw namin hangga't di kami naabutan ng
dilim sa school.  Minsan, meron napapunta kami sa
prutasan nila. kakain ng atis.. bayabas dipped in milk
powder and chocolate, merong pabaunan ako ng isang
plastic bag ng talong at okra, e pareho namang di ko
gustong kainin mga yun hehehe.. pero siyempre, sabi ng
nanay ko "to refuse an offer is an insult" ok.. so
ayun di natatapos ang isang linggo na wala akong dala.


We're partners in everything. Kahit sa
boyscout-boyscout na yun. I remember sleeping together
with him sa campsite. First time ko na may katabi nun
sa pagtulog. Hiwalay na kasi tulugan ko sa bahay nung
nagkaroon ako ng malay nun. The following night,
nilapitan siya ng titser namin na bading.hehehe.. mas
gwapo siya sa akin.. syempre, binuhat ng sir.. nilipat
sa place niya.. di niya alam gising ako.. nakikita ko,
niyakap niya si bespren.  Tarantado talagang bading
to.galit na galit ako nun.. naglalaro sa isip ko na
papakuan yung puwit niya sa sobrang galit. Nagising si
bespren. nagulat kung saan siya.. biglang tumayo at
lumipat ulit sa tabi ko.. sumiksik.. siguro para
mahiya na si sir na kunin siya at siguradong
mararamdaman ko yun(e sa naramdaman na nga e) natuwa
naman ako. Di maiwasang maamoy ko si Michael.. ang
bango niya.. alagang-alaga ni nanay. nagjajakol na ako
nun. pero sumagi sa isipan ko ang mag take advantage
sa situation na yun. Siksik na din ako sa kanya at
parang ayokong mag exhale nun.

Sa isang pagkakataon, nagbo-boating kami. may bangka
kasi sila(de-sagwan ha) .Ang saya namin nun. In part
natatakot ako at di ako marunong lumangoy.
"Hah? di ka marunong lumangoy? yari ka.. malulunod
tayo dito sa gitna ng ilog hahahhaha"

Ang lutong ng tawa niya.. tuwang-tuwa ako nun. hindi
sa sitwasyon kungdi sa tawa niya. Ang cute niya kasi e
hehehe.. niyugyug niya ng niyugyug yung bangka..
tangina. nanginig ako bigla sa takot. Ang gago, tawa
pa rin ng tawa. nakita ko, namumula na mukha niya sa
tawa.. samantalang ako, takot na takot.. lalong
lumakas yung pagyugyog niya ng bangka. Napapansin ko,
sumasabay na rin ng bangka. Parang magkakampi sila sa
pagtakot sa akin.. Ngingiti-ngiti pa rin ako kahit
nanginig na ako. Ang balak ko kasi, ipaalam sa kanya
na hindi ako natatakot. reverse psychology sabi nila
ngayon.

Pero biglang siyang tumahimik at sabay kaming nagulat.
may pumasok na tubig sa bangka. Napasobra siya sa
yugyog.. syet, nawala na ang ngiti sa labi ko. Isang
pasok pa ulit ng tubig.. tangina.. ang dami.. bigla
niya kinuha yung tabo, pero di na kaya ng tabo yun.
Ang bilis ng pangyayari.. ang bilis din ng desisyon
niya. Nakita ko kung paano siya kinabahan.. alam niya,
di ako marunong maglangoy. Ambilis ng sagwan niya
papunta ng pampang. Di ko alam kung saang planeta niya
nakuha yung ganung bilis..pero lalaking-lalaki siya
tingnan ng mga oras na yun. Ang bilis din ng papalubog
ng bangka namin. Takot na takot na ako nun. Lumubog
ang bangka. Tamang-tama sa dibdib ko lng yung tubig.
Nang makita niya na ok ako, napatawa siya ulit.
Langhiya, ako di na ngumingiti. sa isip ko lang, yari
kami sa tatay nito. Hinila namin ang bangka patabi,
tinanggalan ng tubig. Dun nagsisihan kami.. pero siya
tawa pa rin ng tawa.  pero hanga ako sa lakas niya
kanina. ganda ng katawan niya. At that age, may hugis
na katawan niya. pareho pa kaming basa hehehe... Nung
nakita kong hila-hila niya yung tali ng bangka, hinila
ko yung bangka mula sa tubig paakyat. papasikat din no
hehehe kunyari lakas ko din.. pero ambigat pala
hehehe..sobrang hila ko at ayokong mapahiya, nadulas
ako. SYET! punong-puno ng putik ang shorts hhahahaha..
ang gago, lalong humagalpak sa tawa. Naghugas ulit ako
sa ilog at nagpatuyo kami ng konti, bago umuwi. Ang
sarap din alalahanin ng pangyayaring iyon.

Minsan niyaya niya rin ako sa kanila. Ang hilig ko sa
komiks nun. Namputsa, dalawang carton ng komiks ang
meron dun. hahaha.. then he played this one song na
gusto niya daw, at gusto niyang marinig ko. A TIME FOR
US.

A time for us someday there'll be
when chains are torn by courage born
of a love that's free
A time when dreams so long denied
can flourish as we unveil the love
we now must hide
A time for us at last to see
a life worth while for you and me
and with our love through tears and thorns
we will endure
as we pass surely through every storm

I cannot appreciate the lyrics then, neither he.
Mahilig lng talaga siya sa music noon. In fact, may
notebook siya na puro lng kanta.. yun ang substitute
pag pareho na kaming bored.

I can't remember anything sexual about him, except
nung instance na naupo siya sa harap ko at walang
brief hehehe.. nabusuhan ko, pero di naman yung
kabuuan.

Bago mag-graduation pinag-usapan namin kung saan kami
mag highschool. Dalawa lng ang high school sa amin
nun. at utos ng loyalty sa alma mater, gusto ng tatay
ko na sa old school niya ako mag-aaral. Si Michael
naman, gusto ng nanay niya dun sa kabila. We make
plans kung papano makakagawa ng compromise. But all
attempts failed. We instead comitted ourselves na pag
college kailangan same school at same course. West
Negros College ang puntirya at engineering yung
kukunin namin. Electrical field ng tatay niya,
Mechanical namin sa akin. Pero tsaka na namin
pagdedesisyunan yun at matagal pa naman. basta, yun
yung school at yun yung field.

Nagraduate kami ng elementary, we took different high
schools. Both kasi choice ng parents. Ang lungkot ng
first day ko nun sa highschool. hinahanap ko siya.
Eversince, i desire for a mutual understanding. Dapat,
natutuwa ka rin sa akin kung natutuwa ako sa 'yo, else
walang dahilan para maging close tayo. I know then he
wants me as a friend in the same way i do. We meet
every weekends then, dun sa hill. Sabado after lunch,
hanggang takip-silim, kwentuhan lng dun. It's either
may dala akong sandwich or maydala siyang fruits. We
settle for that set-up hanggang sa unti-unting
nagiging busy siya sa farm nila. Plus ng weekend
activities sa school, nasisira yung mga sked namin.

Two more years after, tuluyan nang nawala yung sked
namin.  Nag college, natuloy siya sa WNC, while my
father put me in a different school We both choose
engineering fields. Di ko alam kung pagtupad ng
pangako yung pagpili niya ng school o purely
coincidence lng. But after a year nag trasfer siya ng
school. I partly feel guilty.. kasi baka nga pagtupad
yun ng pangako. Minsan na lng din kami nagkikita. But
nearly every month since 1991, napunta pa rin ako dun
sa taas ng bangin. doing the same ritual... .this time
alone. Hanggang 1998 na routine ko yun until i moved
to manila for my first job. But then, every christmas
vacation, i still go the same place once... waiting to
see him again.

13 years after, naglakas loob akong pumunta sa
kanila. Nag shift pala siya sa komersiyo at di niya
daw kaya ang Math(when its me yung nangungupya sa
kanya) Tapos na siya. Pero mas gusto niyang asikasuhin
yung bukid, lawak na ng lupa nila. Nag open na rin
siya ng tindahan.. grain retailer.  May sarili na rin
siyang kotse. Siguro mas malakas ang kita pag sarili
ang business. Inanyayahan ko siya sa bahay, merienda,
kwentuhan.. kumustahan.. until late night ulit na
tawanan.. inihatid ko siya sa kanila after nun..
naglakad lng kami, pagdating sa kanila, ihatid niya
rin daw ako ulit hehehe corny no? pumayag ako, pero
halfway na lng at baka aabutin kami ng umaga na walang
nakakauwi ng maayos sa amin. I gave him a  fresh copy
of my favorite book at tsaka CD ng mga paborito niyang
kanta nun. Binili ko yun sa manila at talagang para sa
kanya yun.

It's just my own way of saying how i treasured him and
that i never changed through the years. It's expecting
nothing in return, and is just an expression of how
thankful i am for the friendship he shared with me.

Last December, i stayed for a more than a month sa
amin bago ako lumabas ng Pilipinas. I've met his
sister one night at inihatid ko sa kanila. Pero di na
ako natuloy sa bahay nila. I don't know if he's there
or not. Pero sabi nga, lahat ng bagay ay nagtatapos
din. I closed that chapter of my life with a smile.

Si Michael ang una kong naging bestfriend. And like
the others who came lately,  i treasure the friendship
i've shared with him.

No comments:

Post a Comment