Friday, June 17, 2011

pare… i luv u… part 4…







Gay test






"What happen? May nangyari ba…", nalilito at shocked na tanong ko kay Richard. Hindi sana… pero… parang… nalasing ako kagabi… at ngayon nagising akong pagod ang katawan, used?
"Yup, and I am proud of you!", nakangiting sagot saken ni Richard sabay balik ulet sa kusina.


Hindi ito maaaring mangyari!!! But it is Confirmed, may nangyari nga samen ni Richard, what the!!! Hindi ako makapaniwala, pakshet! Kala ko kasi lalaki na tong Tisoy na to, was it all his plan. 


Nag panggap siyang may amnesia, so i’ll be close to him, until I can go to his place, at lasingin niya ako, then now he took advantage of me… pano na to ngayon… waaaaaa!!! Gusto ko nang umiyak… I was reserving my first sex to the one that I really love… pero ngayon I lost my virginity sa kapwa lalaki ko pa. Waaaaaaa!!!


"O, pare what are you waiting for, go dressed your self up, ready na ang breakfast, tara kain tayo!", pagyayaya nito sa akin.


Gusto ko sanang sumigaw, pero naisip ko, para saan pa… wala na akong maisip, wala na talaga akong magawa. Suko na ako sa mga kapalpakang nangyayari sa buhay ko… kala ko patungo na ako sa paglaya pero heto ako ngayon at balik muli sa pagiging biktima. Bumalik ako sa kwarto at nagbihis… pagkatapos ay nag tungo sa kusina… itsurang nalungkot ako at nalugi… itsurang naisahan.


"O bakit parang malungkot ka?", tanong niya sa akin. "Alam mo ba napaka saya ko ngayon! Napatunayan kong hindi totoo ang sinabi sakin ni Isabel…", pagpapatuloy ni Richard.
Si Isabel? bakit napasok sa usapan si Isabel???
"Ha? Bakit? ano bang sabi ni Isabel???", naitanong ko nalang.
"Yesterday kasi she told me that you are gay… Syempre hindi ako naniwala kaagad… I wanna see it to my self. Kaya kagabi, noong malasing ka. I called my friend to come over. I told her na hindi ko alam kung gay ka nga ba o hindi, and the best way to know it is to have sex with you ang friend kong girl. At nang makita ko kung gaano ka na excite ng pumatong sayo ang friend ko, at that moment alam ko nang isa ka ngang tunay na lalaki, thats why I am so proud of you!!!"


Ha??? Ibig bang sabihin nito, I have sex, pero hindi kay Richard kundi sa kaibigan niyang babae… nalaman ko nalang na napangiti na ako… atleast ngayon balik uli ako sa pagiging malaya.


"Yun ba ang nangyari kagabi?", masigla ko nang naitanong.
"Oo pare, I never thought na ganoon ka pala kagaling pagdating sa sex, sulit daw kasi sabi ng friend ko…", natatawa pang nasabi saken ni Richard.
"So asan na yung friend mo.", na kyoryus kong tanong…
"Oh, never mind her… umalis na siya kasi may trabaho pa siya, she is a nurse, nagkakilala kami sa Hospital ko dati.", paliwanag niya. "But if you want her number, bigay ko nalang sayo mamiya, for now let’s eat. Malapit na ang kasalan Pare.", nakangiti na naman nitong nasabi at tila excited na talaga siya.


Kaya ayun na nga ang nangyari… pagkatapos kumain ay binigay saken ang cell number ng babae, pero naalala ko nga palang ayaw ko nang gumamit ng cellphone. Kaya when i reach my Flower shop, tinapon ko rin yung number nung girl, its just a one night stand, better not to do more about it nalang.






Here Comes the Bride






Mga 3:15pm na ako nang makarating sa simbahan… marami nang nandoroon… andun na si Richard and his family… andoroon din ang mga highschool classmates namin, na nagugulat rin pag nakikita ako… tila naaalala pa rin nila ang nakaraan…


Tinawag ako ni Richard at pumasok na kami sa loob ng simbahan… iniintay ang Bride ng kasal.


Mayamaya pa ay narinig ko nalang ang masasayang hiyawan, na nangangahulugan lamang na nandito na ang Bride… Oo, dumating na si Pare. Kaya ako, bilang best man ay umayos na ng tayo, sa tabi ni Richard, ang Groom ng kasal.


At nag simula ng tumugtog ang mga musicians sa himig na pangkasal…


Pumasok na ang mga alepores ng wedding, hindi ko alam kung ano ang mga tawag sa kanila, sila ata yung mga flower girls, abay, etc… ah ewan. Basta ang atensyon ko sa mga panahong iyon ay para lang sa Bride ng kasal.


At pumasok na nga si Isabel, sa napakaganda niyang wedding dress, simple lang subalit bagay na bagay sa kanyang ganda… Pakiramdam ko ay tinatangay ako ng hangin sa aking nadaramang kaligayahan… hindi ko ba alam, subalit kahit ilang beses na akong sinaktan ng babaeng ito, e hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya, mahal ko talaga siya… subalit alam ko namang hindi niya ako mahal. Napaka swerte talaga nitong si Tisoy…


Napalingon tuloy ako kay Richard, gusto kong malaman kung ano ang kanyang itsura… nakita kong masaya ang kanyang mukha… subalit ganoon naman talaga lagi iyon e, minsan ko lang nakitang malungkot tong si Tisoy, at iyon ay dahil sa akin… noong mga panahon na ako pa ang mahal niya…


Napansin ko nalang na hindi nakapasok sa butas ang botones ng kanyang barong malapit sa kanyang leeg, kaya lumapit ako sa kanya para ayusin iyon…


"Pare ayusin ko lang ang butones mo ha…", wika ko…


Napa tango na lamang si Richard habang ang atensyon ay na kay Isabel pa rin… minamasdan ang kanyang paglalakad.


Ewan ko ba pero napakahirap ipasok ng butones na iyon, kaya bahagyang nasakal ko si Richard… dahilan para mapalingon siya sa akin… Lalo ko pang nilapit ang aking mukha sa butones, upang makita kong mabuti. Lingid sa aking alam e napalapit masyado ang mukha ko kay Richard, sa lapit na halos mahalikan ko na ang kanyang mukha.


Napalingon ako sa kanya, at bigla kong naalala ang dati, noong muntikan ko na siya mahalikan, sapagkat ganoon rin ang pagkakatitig niya sa akin, titig na titig rin siya ngayon sa aking mukha.


Malapit na si Isabel sa amin…


Nagulat na lamang ako ng biglang sumigaw si Richard…


Natahimik ang lahat ng tao sa simbahan…


Biglang napayuko si Richard at hinawakan ang kanyang ulo…


"Pare, ahhhhhh!!! sumasakit na naman ang ulo ko!!!", nasabi nitong puno ng bahala.
Lumapit patakbo kaagad si Isabel upang alalayan si Richard. Ako naman tila nagulat sa pangyayari…


At bigla na lamang nawalan ng malay si Tisoy…






My Bestfriend’s Wedding






Kaya agad akong lumapit at sinampal sampal ang mukha ni Tisoy…


"Pare, gising, pare…", nasabi kong pasigaw upang magising si Richard.


At nagtagumpay nga ako… nagkamalay siya. Kasabay noon ay agad itong nagwika sa akin…


"Justin, naaalala ko na ang lahat, lahat-lahat, naaalala ko na kung ano ang sinabi ko sa iyo bago ang aksidente… naaalala ko na…", nakangiting nasabi ni Richard sa akin…


Ha!!! Ngayon pang nandito na kami sa simbahan. Ngayon pang ikakasal na siya. Ngayon pang tanggap ko na ang lahat!!!


Hindi ako handa sa mga nangyayari sa paligid ko… kaya wala akong ibang naisipang gawin kundi ang tumakbo…


Hinawi ko ang lahat ng tao sa paligid at minadali ko talagang lumabas sa simbahan… Nalaman ko nalang na sumunod din si Richard sa akin…


What the!!! Tantanan na sana ako ng lahat ng ito!


Kaya tumakbo ako papalayo kay Richard… subalit talagang hinahabol niya ako… at nang muli ko siyang lingunin ay nakita ko rin si Isabel, na hinahabol naman si Richard…


Binilisan ko talaga ang aking takbo, subalit ganoon din si Richard, mabuti na lang at nawala na sa eksena si Isabel, mahirap yatang tumakbo ng naka-wedding dress no?


Hanggang makarating kami sa highway…






Right the Wrong






Sa pagkakataong iyon ay nanariwa sa akin ang nakaraan… sapagkat ng huli akong tumawid ay nasa likod ko rin si Richard… at naganap nga ang aksidente.


Gusto kong itama ang lahat, kaya naisip kong tigilan na ang pag takbo, at harapin ang katotohanan… ang harapin si Richard.


Nadama ko ang pagod, at napayuko ako sa sobrang hingal… tagaktak ang aking pawis sa barong kong suot.


Sandali pa at naramdaman ko na si Richard… ayaw kong tumingin sa kanya… sapagkat ayaw kong makita yung mukha nyang katulad noong dati, noong siya ay nagtapat sa akin.


Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kaliwa kong balikat…


"Pare, ang bilis mong tumakbo… pinagod mo ako dun…", sabay tawa kahit halatang pagod na pagod rin siya…
"Richard kung ano man ang bumalik sa isip at puso mo. Please lang wag mong sundin ang puso mo… Masaya na tayong tatlo ni Isabel sa kung ano mang meron tayo ngayon, wag mo nang gawing komplikado ang lahat…", paliwanag ko, habang nakayuko pa rin.


Agad na tinanggal ni Richard ang pagkakahawak niya sa aking balikat…


"Susundin ko pa rin ang puso ko Justin.", payak nyang sinabi.
"Pero…", ang di ko pagsang-ayon.
"Oo, Justin. Bumalik na ang aking alaala, ang buo kong alaala ng nakaraan. Naalala ko ang lihim kong pagtingin sayo noong tayo ay mga bata pa… at higit sa lahat naalala ko rin ang araw na iyon… ang napakasakit na araw na iyon…", malamlam na boses nyang pagsasaad.
"Subalit ang alaala lang ang bumalik sa aking isipan Justin, at hindi ang pag-ibig sa aking puso… Dahil hanggang ngayon, sa oras na ito, si Isabel pa rin ang laman at tinitibok nito…"


Ha???


"Anong ibig mong sabihin???", naitanong ko nalang sabay lingon sa mukha ni Richard. At doon ko nakita ang seryoso niyang mukha, sa boong buhay niya.
"Mahal na mahal ko na si Isabel… at mula ng magkaroon ako ng amnesia… nalimutan ko na rin ang pagiging kung ano man ako dati. Isa na akong tunay na lalaki ngayon Justin. At hindi ko na palalampasin pa ang isang tulad ni Isabel sa buhay ko…"
Kung ganoon, hindi na pala inlababo sakin tong si Tisoy… hindi na siya bakla… teka?!
"E bakit hinabol mo pa ako, kung nasa simbahan naman pala ang mahal mo???", naitanong ko sa kanya???


At muli ay napangiti siya sa akin… "Dahil nais ko sanang humingi ng tawad sayo…"


"Para saan?", tanong ko na may pagkalito.
"Kasi naalala kong nangako nga pala ako sa iyo, kapalit ang paghalik mo sa akin… di ba sinabi ko sayo na tutulungan kitang mapalapit sa iyo si Isabel kapalit ng halik mo???", paliwanag nito.
"Pero hindi na yata yun matutupad, Justin. Dahil I’m gonna marry her… paliligayahin ko si Isabel…", paliwanag nito sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Maraming salamat Pare sa lahat-lahat…", kanyang binigkas at pagkatapos ay inalis rin ang pagyakap.


Sa oras na iyon ay malinaw na sa akin ang lahat… at lubos akong masaya para kay Tisoy at para na rin kay Isabel. Maswerte si Richard sapagkat pakakasalan siya ng pinaka magandang babae sa buong mundo para sa akin, at ganoon din naman kaswerte si Isabel, dahil mahal na mahal siya ni Tisoy…


Napansin ko nalang na humahagulhol na si Richard…


"Hoy! Itigil mo na nga yang pag-iyak mo at puntahan mo na ang Bride mo sa simbahan, nag-aalala na yon… At tungkol naman sa pangako mo saken, OK lang yun, hindi naman natuloy ang halik ko sayo diba?", nasabi ko.


Yayakapin pa sana ulit ako ni Richard pero ako na ang umiwas, at sumenyas ako na umalis na siya. Kasi baka mamaya mabading na naman sa akin e, mahirap na.


"Sige Pare, kita nalang tayo mamaya…", pag-papaalam nito sa akin, at pagkatapos ay sumibat na.


Sa mga oras na iyon… bahagya akong nakadama ng pag-iisa… subalit iyon ang pag-iisa na walang kasamang kalungkutan, sa halip ay ang pag-asa sa hinaharap… nakalaya na ako sa mapait na kahapon at handa na akong harapin ang bukas.


Nang biglang may kumalabit sa aking likuran…






The Very Long Awaited Kiss






"Isabel? O! bakit nandito ka???", agad kung naitanong sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula…", tila nahihiya nitong sinabi sa akin.
"Ha? Bakit?", tanong ko, habang nililingon ko kung nasa paligid si Richard.
"Narinig ko kasi ang lahat ng pinag-usapan nyo ni Richard kanina… at nauunawaan ko na ang lahat…", wika nito na tila nanginginig pa.
"Ngayon ko lang nalaman na napaka bait mo palang kaibigan… Humihingi ako ng tawad kung naging kontrabida ako ng buhay mo Justin. Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo…", paiyak na niyang nasabi.
"No, Isabel… wag kang umiyak… wala kang ginawang masama sa akin.", pagpapatahan ko sa kanya.
"Maraming salamat talaga… alam mo nahihiya ako ngayon sa iyo e. alam kong mahal mo ako… pero mahal na mahal ko talaga si Richard…", nakayuko nitong nasabi.
"Alam mo, tingin ko you have to go to the church na. Iniintay ka na ni Richard doon…", at napansin ko na lang na lumuluha na ako, isipin ko lang na tinataboy ko ang babaeng pinaka mamahal ko…


Napatingin sa akin si Isabel, at nakita nya ang aking mga luha…


Nagulat na lamang ako, nang bigla niya akong halikan sa pisnge, pagkatapos ay tumakbo papalayo… at nagwika…


"Maraming salamat talaga Justin… Salamat!"


Alam kung saglit lang ang halik na iyon ni Isabel, subalit hiniling ko na sana ay maging panghabang buhay na… Alam ko ring ang halik na iyon ay katulad lamang ng halik na iaalay ko sana kay Richard noon… isang halik para sa kaibigan dahil sa awa at pag papasalamat.


Paalam Isabel, paalam.






Reborn






Pinunasan ko ang aking mga mata at tiningnan ang highway… para kasing hindi pa tapos ang lahat hanggat hindi ko pa tinatawid muli ang kalsada…


Kaya naglakad ako pa-abante, at tumawid…


Napakasarap nang pakiramdam… sa bawat sasakyang aking naiiwasan, nararamdaman ko ang kalayaan mula sa kahapon… at ang pagtawid sa kabila ay simbolo para sa akin ng panibagong buhay…


Habang ako ay tumatawid, hindi ko pansin ang paligid, hindi ko alintana ang panganib…






Sudden Death






Natawid ko nang ligtas ang kalsada… at pagkatapos ay nagtungo na ako sa aking Shop.


Laking gulat ko nalang ng madatnan ko ang aking assistant na nakahilata sa aking kwarto. 


Napansin kong hawak-hawak niya ang isang baso…


Naalala ko tuloy na ang basong iyon ay puno ng muriatic acid na iinumin ko sana noong naisipan kong magpakamatay… Marahil ay nainum ng aking assistant, dahil inakala nyang ito ay pineapple juice, tatanga-tanga kasi.


Agad akong tumawag ng ambulansya, at tinakbo ko siya sa ospital… Habang nag-iintay ako ng resulta sa nangyari sa kanya…


Napansin ko na lang ang isang napaka gandang binibini… Hindi ko alam pero tila nginingitian niya ako…
Kaya nginitian ko rin siya, nabigla na lamang ako, nang mapansin kong patungo siya sa aking pwesto, kaunting lapit pa at nalaman kong isa pala siyang nurse.


"Hi, I’m Sandy, remember last night?", pagpapakilala nito sa akin… subalit bakit niya ako tinatanong tungkol sa kagabi…
"What last night?", tanong ko.
"O, so hindi mo pala naalala, ako yung friend ni Richard, sabagay masyado ka kasing lasing kagabi e…", paliwanag niya.


At doon pa lamang ay naunawaan ko na ang lahat, siya pala ang nakasama ko kagabi… at masasabi kong magaling palang pumili ng kaibigan si Tisoy… ngayon pa lamang nagpapasalamat na ako sa kanya dahil pinakilala niya sa akin ang babaeng ito.


And our conversation lasted for hours… nakalimutan ko na nga ang assistant ko e…


Yup, namatay ang aking assistant… Haha...Joke lang yun...Buhay pa ang aking Assistant (pero lalo ata siyang nagmukhang patay dahil sa lason na nainum niya)...at kasalukuyan parin siyang nagtatrabaho pa rin sa aking Flowershop.Buti naagapan siya agad...but I think it is just a blessing in disguise, dahil nagkaroon ako ng tyansang makilala ng lubusan si Sandy. 


At alam nyo bang there is a big reason behind why she had sex with me that night, but that is just between us na lang… pero isa lang ang masasabi ko, she prove me wrong when i thought that she is cheap. And now I think I am falling to her.








—WAKAS—




salamat sa mga nagbasa…

No comments:

Post a Comment